^

PM Sports

3YO karera dinomina ng Magic of Music AT

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tila may mahika na tumakbo ang Magic Of Music nang dominahin ang isang three-year-old race noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Si JA Guce ang  hinete ng  kabayo na pumangatlo sa naunang 3YO Handicap race na sinalihan noong Pebrero 17 ngunit kondisyon ang kabayong sakay ni JA Guce para dominahin ang 1,200m karera.

Walang nakasabay sa ganda ng diskarte ni Guce tungo sa banderang-tapos na panalo.

Naghatid ang win ng P47.00 habang dehado ang Barbie para magkaroon ng dibidendo na P171.50 ang 1-4 forecast.

Pinangatawanan naman ng Kate Ganda ang pagi-ging liyamadong kabayo matapos kuminang kay Pat Dilema sa isang class division 1 race na inilagay sa 1,300m distansya.

Outstanding favorite ang kabayo at pumang-apat muna ito sa alisan bago inunti-unti ni Dilema ang karga sa kabayo.

Sa huling 500-metro ng karera kinuha ng Kate Ganda ang kalamangan bago isinantabi ang hamon ng War Alert na natalo ng halos dalawang dipa.

Bumangon mula sa pang-apat na puwesto ang kabayo sa huling takbo at nagpamahagi ito ng P9.50 sa win habang ang 7-6 forecast ay may P36.50 dibidendo.

 

vuukle comment

BARBIE

BUMANGON

CAVITE

DILEMA

GUCE

KATE GANDA

MAGIC OF MUSIC

PAT DILEMA

SANTA ANA PARK

WAR ALERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with