^

PM Sports

Tupas, Dela Cruz nagparamdam agad

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na nagparamdam sina Ruben Tupas at Dave dela Cruz sa hanay ng mga horse trainers nang pangunahan ang kanilang hanay sa palakihan ng kita para sa buwan ng Enero.

Si Tupas ang nagpasiklab  nang manguna sa nakuhang P291,405.59 premyo. May 15 panalo si Tupas bukod pa sa 9 segundo, 6 tersero at 8 kuwarto puwes-tong pagtatapos. Siya ay makailang-ulit na hinirang bilang pinakamahusay na trainer sa horse racing.

Nasa ikalawa naman si Dela Cruz  na may 10 panalo ang mga sinanay niyang kabayo bukod pa sa 10 segundo, 15 tersero at 12 kuwarto puwestong pagtatapos.

Si JC Lapus ang nasa ikatlong puwesto kasunod ni Danny Sordan at MM Vicente upang makumpleto ang unang limang puwesto.

Si Lapus na batikang horse owner din, ay kuma-big na ng P142,405.89 gantimpala sa pitong panalo, 13 segundo, 9 tersero at 10 kuwarto puwesto habang si Sordan na may 7-panalo rin bukod sa 8-segundo, 9-tersero at 1-kuwarto puwesto ay nakalikom na ng P117,964.98 premyo.

May P104,305.16 si Vicente sa 8-panalo, 4-segundo, 2 tersero at 9 kuwarto puwestong pagtatapos.

Namumurong pumasok sa P100,000.00 sa buwan ng Pebrero sina RR Yamco, AC Sordan at CL Alvarez.

 

vuukle comment

ALVAREZ

CRUZ

DANNY SORDAN

DELA CRUZ

ENERO

LAPUS

RUBEN TUPAS

SI LAPUS

SI TUPAS

SORDAN

VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with