^

PM Sports

Jordan 50-years old na

Pang-masa

HOUSTON – Nagdiwang ng ika-50 kaarawan si Michael Jordan nitong Linggo at ito ay nagbigay ng pagkakataon sa pagdaraos ng All-Stars na alalahanin ang kanyang makulay na career at kung gaano pa rin siya pinapahalagahan.

Sa pagtitipon ng mga NBA greatest players, si Jordan ang naging laman ng usapan bagama’t hindi na siya naglalaro mula noon pang 2002-03.

May impluwensiya pa rin hanggang ngayon si Jordan sa liga at sa mga players.

“Every kid that wanted to play basketball, that could play, that couldn’t play, you tried to emulate Michael Jordan,’’ sabi ni Heat star Dwyane Wade. “That’s why there will never be another one of him. He the first of his kind. Everything he did was groundbreaking. He did it with so much flare and so much pizazz that even today people are still trying to be like Mike.’’

Nanalo si Jordan ng anim na titles at limang MVP awards sa kanyang career na ginugol niya halos sa Chicago Bulls  na nagsimula noong 1984.

Si Jordan ay nasa Houston at maaga niyang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa Museum of Fine Arts kung saan kabilang sa mga imbitado ay sina LeBron James at Kobe Bryant.

CHICAGO BULLS

DWYANE WADE

JORDAN

KOBE BRYANT

LINGGO

MICHAEL JORDAN

MUSEUM OF FINE ARTS

NAGDIWANG

NANALO

SI JORDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with