Thunder dinurog ang Mavs
OKLAHOMA CITY -- Nagposte si Russell Westbrook ng 24 points, habang kumolekta naman si Ke-vin Durant ng 19 points at 10 rebounds para tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 112-91 paggupo sa Dallas Mavericks nitong Lunes ng gabi.
“The last time they came in here, they hit us in the mouth early,’’ sabi ni Durant. “And I just told the guys that we’ve got to be the first hitter tonight and we’ve got to come out with a lot of energy, and I think we did that.’’
Nag-ambag si Kevin Martin ng 17 points buhat sa bench para sa Oklahoma City, ipinahinga ang kanilang mga starters sa fourth quarter at pinaglaro sina reserves Perry Jones III at Daniel Orton.
Lumamang ang Oklahoma City ng 20 points sa kabuuan ng second half para sa kanilang pang-10 panalo sa 11pakikipagharap sa Dallas.
Ang layup ni Westbrook ang nagbigay sa Thunder ng isang 27-point lead sa second period at nagsalpak si Martin ng isang basket para ibaon ang Mavericks sa 61-34.
Tinalo ng Mavericks ang Thunder sa 2011 Western Conference finals patungo sa pagkopo nila ng NBA championship.
Umiskor naman si Shawn Marion ng 10 of 14 fieldgoals para sa kanyang 23 points, habang may 10 si Dirk Nowitzki mula sa kanyang 3-for-11 shooting.
Tinapos ng Mavericks ang kanilang four-game road trip sa 1-3 at uuwi sa Dallas para sa kanilang limang sunod na laro sa American Airlines Center.
- Latest