^

PM Sports

RP Davis Cuppers wagi sa Syria

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang naging problema ang Pilipinas kung ang laro sa Syria sa pagbubukas ng 2013 Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup tie ang pag-uusapan.

Matapos ang tatlong laro sa best-of-five tie na ginaganap sa Plantation Bay Resort and Spa sa Lapu Lapu City ay nanaig na ang host country nang walisin ng mga  ipinanlaban ang serye.

Tinapos nina Fil-Ams Treat Huey at Ruben Gonzales ang tie sa pamamagitan ng 6-0, 6-3, 2-6, 6-2, panalo laban kina Issam Haitham Taweel at Marc Abdelnour sa doubles na nangyari noong Sabado ng gabi.

Naunang kuminang para sa bansa si Johnny Arcilla na hiniya ang number one player ng Syria na si Taweel, 6-4,5-7, 6-1, 6-2, bago ibinigay ni Gonzales ang 2-0 kalamangan sa   6-4, 7-6(1), 6-2, panalo laban kay Abdelnour.

“May mga rankings at beterano ng malalaking tournaments sina Taweel at Abdelnour kaya’t hindi namin expected na ma-sweep ang tie. Pero gusto talaga ng mga players na manalo at naipakita nila ito sa kanilang mga laro,” wika ni Roland Kraut, ang non-playing team captain ng  Pambansang koponan.

Umabante na sa se-cond round ang Pilipinas at makakaharap ang alinman sa Thailand o Kuwait sa tie na lalaruin sa Abril 5 hanggang 7.

Angat ang Thais sa Kuwait na siyang host ng tagisan, 2-1, nang manalo sa doubles upang maging mahalaga pa ang reverse singles na ginawa kahapon.

vuukle comment

ABDELNOUR

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

DAVIS CUP

FIL-AMS TREAT HUEY

ISSAM HAITHAM TAWEEL

JOHNNY ARCILLA

LAPU LAPU CITY

MARC ABDELNOUR

PILIPINAS

PLANTATION BAY RESORT AND SPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with