Local riders makakatapat ang mga foreign cyclists sa 2014
BAGUIO CITY, Philippines -- Inihahanda na ng mga local riders na pinamumunuan ni LPGMA-American Vinyl pride Irish Valenzuela ang pagtapat nila sa mga foÂreign riders sa pagdaraÂos ng Ronda Pilipinas ng isang international event sa susunod na taon.
“Handa na akong haÂrapin sila, lahat kami,†saÂbi ni Valenzuela, isang araw matapos pagharian ang 2012 Ronda Pilipinas.
Handa ang 25-anyos na si Valenzuela sa ibang bansa para paghandaan ang paglahok ng mga foÂreign riders sa 2014.
Sa ilalim ni LPGMA Rep. Arnel Ty, isang schoÂlarship ang magagamit niÂya kasama ang iba pang riÂders mula sa Liquigaz Pool B na may koponan sa Tour de France, ang piÂnakamalaking cycling event.
Hindi pa kasama dito ang napanalunan niyang P1 milyon at magandang tropeo matapos pagharian ang 2012 Ronda.
Tinalo ni ValenÂzuÂeÂla para sa korona sina Roadbike Philippines’ bet RoÂÂnald Gorantes, PLDT-SpyÂder star Ronald Oranza at Navy-Standard rider SanÂty Barnachea.
Ngayon pa lamang ay inihahanda na ng mga koÂÂponan sa Ronda ang kaÂÂnilang mga siklista bilang preparasyon sa interÂnÂational tournament sa 2014.
“Magsisimula na kami ng training sa lalong madaling panahon,†sabi ni LPGMA-American ViÂnyl coach Renato DoloÂsa, isang two-time winner ng Marlboro Tour noÂong1992 at 1995.
Ang Roadbike Phl ang hinirang na overall team champion.
- Latest