^

PM Sports

Maganda ang takbo ng Gold Caviar

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang ma­gandang takbo ng Gold Caviar nang manalo no­ong Biyernes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Second choice ang na­sabing kabayo sa pitong naglaban pero handa ang Gold Caviar at ang hine­te nitong si Jan Alvin Gu­ce na ipakita na sila ang may pinakamagandang kon­disyon sa mga tu­makbo matapos hiyain ang hamon ng dehadong Ab­solute.

Limang kabayo,  kasama ang Gold Caviar, ang na­sa unahan at nakaangat ng bahagya ang  Blue Ma­terial bago hinataw ni Guce ang sakay na ka­bayo para kunin ang li­derato sa huling 75-metro ng 1,300m karera.

Pabulusok na rin ang da­ting ng Absolute ni ap­prentice jockey RA Ali­cante at pinalad itong ma­ungusan ng kanyang ulo ang nakadikit na Ma­lambing para sa ikala­wang puwesto.

Ang Blue Material ang pumang-apat sa dati­ngan.

Umani ng premyong P179,958.00 mula sa P670,281.00 ang sales sa daily double ng kabayong pag-aari ni Hermie Esguerra at dahil dikit-dikit ang benta.

Ito ay umabot sa P58.50 ang dibidendo sa win, habang P91.50 ang  igi­­­nawad sa 3-6 forecast.

Nakatikim ng unang pa­nalo bilang isang three-year old ang kaba­yong Hel­lo Mamsy sa pag­da­da­la ni Rustico Tel­les na nangyari sa 3YO Han­di­cap Race (02).

Ang anak ng Enjoyment at Andee’s Wind ay naghatid ng P19.50 sa win, habang ang 2-5 forecast ay naghatid ng P129.00 dibidendo.

vuukle comment

ALI

ANG BLUE MATERIAL

BLUE MA

GOLD CAVIAR

HERMIE ESGUERRA

JAN ALVIN GU

RUSTICO TEL

SAN LAZARO LEISURE PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with