^

PM Sports

Back-to-back win para sa LA Lakers

Pang-masa

Los Angeles -- Nagtala si Dwight Ho-ward ng 31 points at 16 rebounds at umiskor din si Kobe Bryant ng 31 nang igupo ng Lakers ang Milwaukee Bucks, 104-88, para sa kanilang ikala-wang sunod na panalo matapos ang six-game losing streak.

Nagdagdag si Metta World Peace ng 12 points sa paghahanda ng La-kers sa kanilang pagharap kontra sa NBA champion na Miami Heat na lumasap naman ng dalawang sunod na talo sa ilalim ni interim coach Jim Boylan.

Umiskor si Monta Ellis ng 17 points para sa Milwaukee.

Sa Houston, nanalo uli ang Los Angeles Clippers  kahit wala na naman si Chris Paul  nitong Martes nang umiskor si Jamal Crawford ng season-high 30 points kabilang ang 12 sunod na puntos sa pagsisimula ng fourth quarter tungo sa 117-109 panalo sa  Houston Rockets.

Humataw ang Los Angeles sa third quarter  upang kunin ang liderato at pinalaki ni Crawford ang kalamangan sa 20  puntos nang ma-outscore niya ang Houston, 12-7 sa opening minutes ng fourth quarter.

Umiskor naman si  Wilson Chandler ng tiebreaking 3-pointer sa huling 14.9 segundo ng overtime nang igupo ng Nuggets ang Portland Trail Blazers, 115-111 sa overtime para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo.

Sa iba pang laro, ipinalasap ng Indiana saCharlotte ang ika-13 sunod na  home loss  nang umiskor si Roy Hibbert ng 18 points at seven rebounds sa 103-76 panalo ng Pacers kontra sa Bobcats habang iginupo ng Brooklyn Nets ang Toronto Raptors, 113-106  para sa kanilang ikapitong sunod na panalo.

BROOKLYN NETS

CHRIS PAUL

DWIGHT HO

HOUSTON ROCKETS

JAMAL CRAWFORD

JIM BOYLAN

KOBE BRYANT

LOS ANGELES

LOS ANGELES CLIPPERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with