^

PM Sports

JRU, Blackwater nalo pareho

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naitala ni John Villa-rias ang pinakamabangis na opensa na nakita sa PBA D-League Aspirants’ Cup upang ibigay sa nanggugulat na Jose Rizal University ang 100-64 panalo laban sa Fruitas Shakers na nilaro kahapon sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

“Hindi ko maipaliwanag, nagkataon lamang na sinuwerte ako,” wika ni Villarias na tumapos taglay ang 36 puntos mula sa 12-of-18 shooting, kasama ang 7-of-9 sa tres, sa 25  minutong paglalaro.

Ang naitalang puntos ay tumabon sa 32 na da-ting pinagsasaluhan nina Carlo Lastimosa ng Fruitas at Jopher Custodio ng  Cebuana Lhuillier na natalo rin sa   Blackwater Sports sa ikalawang laro, 91-80.

Ikatlong sunod na panalo ito ng tropa ni coach Vergel Meneses at 4-4 sa kabuuan para makasalo sa ikalima hanggang ikapitong puwesto kasama ang Fruitas at pahingang Café France.

Hindi naman lumam-ya ang laro ng Elite kahit hinamon ng Gems sa hu-ling yugto para manatiling nasa ikalawang puwesto sa 6-2 baraha.

Si Robby Celiz ay mayroong 20 puntos habang 17 ang hatid ni Kevin Ferrer pero malaking papel din ang ginawa nina Jeric Fortuna at Ian Mazo para tuluyang  ipatikim sa Gems ang ikalimang kabiguan matapos ang walong laro.

Isang tres ni Mazo matapos ang  jumper ni Fortuna ang naglayo sa Elite sa 11, 86-75, sa hu-ling isang minuto ng labanan.

BLACKWATER SPORTS

CARLO LASTIMOSA

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRUITAS

FRUITAS SHAKERS

IAN MAZO

JERIC FORTUNA

JOHN VILLA

JOPHER CUSTODIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with