^

PM Sports

Preparasyon ng mga atleta para sa SEA Games tututukan ng POC

OLeyba - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang malamyang ipinakita noong 2011 sa Indonesia, tiniyak ng Phi-lippine Olympic Committee na babawi ang mga Filipino athletes sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar. 

Ito ang ipinangako kahapon ni POC chairman Tom Carrasco ng triathlon sa SCOOP sa Kamayan sa Malate, Manila.

“We’re not promising the moon like we would be eyeing the overall championship. But certainly we will do everything we are capable of doing to escape that deplorable finish,” wika ni Carrasco.

Sa 2011 SEA Games sa Indonesia, tumapos ang bansa bilang pang-anim sa overall standings.

Sinabi ni Carrasco na target ng POC na makaakyat sa ikatlong posisyon para sa 2013 Myanmar SEA Games.

“Kung puwede pang mag-third, mas maganda at hindi na tayo mapapahiya sa ating mga kababayan. Huwag namang sixth or, worse, seventh, for that matter. That’s already unforgivable,” wika ng triathlon chief.

Sinabi pa ni Carrasco na pahaha-lagahan nila ang  pre-Games training ng mga National athletes.

“POC president Peping Cojuangco believes that proper conditioning could also be a key. That’s what he’s always been saying, that our athletes lacked the physical strength in our past participation in the SEA Games, Asian Games and the Olympics. Kaya he will be handling that aspect in preparations,” ani Carrasco.

Para matiyak ang pag-angat ng kampanya ng bansa sa Myanmar SEA Games, makikipagtulungan ang POC sa Philippine Sports Commission.

Makikipag-usap sina first vice pre-sident Joey Romasanta, treasurer Julian Camacho, second VP Jeff Tamayo at director Cynthia Carrion kina PSC Commissioners Iggy Clavecilla, Akiko Thomson, Jolly Gomez at Buddy Andrada.

Bilang punung-abala, tiyak na pipilitin ng Myanmar na makapagpasok ng maraming events na papabor sa kanila para makabawi sa huling puwesto sa 2011 SEA Games.

 

AKIKO THOMSON

ASIAN GAMES AND THE OLYMPICS

BUDDY ANDRADA

CARRASCO

COMMISSIONERS IGGY CLAVECILLA

CYNTHIA CARRION

GAMES

JEFF TAMAYO

MYANMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with