^

PM Sports

Akire Onileva dalawang buwan ang ipinaghintay para makakuha ng panalo sa Santa Ana Park

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang buwan ang itinagal ng paghihintay ng kabayong Akire Onileva para makatikim muli ng panalo.

Noong Enero 3 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite muling lumutang ang husay ng kabayo para mapasaya ang mga dehadista na nagnais na makahagip ng ma­gandang dibidendo.

Ang apprentice jockey na si JV Ponce ang suma­kay sa Akire Onileva at nagtagumpay ang tambalan nang manalo sa Yes Beauty na ginabayan ni AM Tancioco.

Noong Nobyembre 22 huling nangibabaw ang Akire Onileva at nakalabang Windy Hour ang siyang hindi pinaporma ng nanalong tambalan.

Lumabas bilang pinakadehadong kabayo na na­nalo ang Akire Onileva sa gabi at  nagpasok ito ng P151.00 sa win, habang ang 6-1 forecast ay may P120.00 ipinamigay.

Isa pang dehado na sakay ng apprentice rider ang tumapos sa pitong karera na ginawa sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc.

Ang Angeluz na huling tumakbo noong Disyembre 7 kasama ng coupled entry Scarab ay kuminang sa race seven na pinaglabanan sa 4YO Handicap 2 race sa 1,300m distansya.

Pangalawa lamang ang Pudolski para makapaghatid pa ng P55.50 sa forecast na 2-8, habang ang win ay naghatid ng P37.50 dibidendo.

Ang lumabas na liyamado sa gabi ay ang Dugo’s Fantasy tumakbo sa race 3 na isang class division 4.

Hindi umubra ang hamon  ng anim  na iba pang ka­tunggali, kasama ang coupled entries na Alleluia at Flying Gee nang manalo ang Dugo’s Fantasy sa ha­mon ng Raon.

Tinapos ang 2012 bitbit ang panalo noong Dis­yem­bre 23, ang win ng Dugo’s Fantasy ay mayroong P6.00 dibidendo, habang ang 5-4 forecast ay naghatid pa ng P13.00 dibidendo.

 

vuukle comment

AKIRE ONILEVA

ANG ANGELUZ

DUGO

FLYING GEE

NOONG ENERO

NOONG NOBYEMBRE

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with