^

PM Sports

Tumabo si Guce

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bukod sa pagiging win­ningest jockey, may po­sibilidad din si Jessie Gu­ce na maging Number One sa career earnings ng mga hinete.

Sa talaan ng Philracom, si Guce ay napag-iiwanan na lamang ng ma­higit na P2 milyon ni Pat Dilema sa kabuuang kinita sa industriya.

Ang talaan ay hanggang Disyembre 23 at si Guce ay nagkamal na ng P43,449,826.83 kum­para sa career ear­nings   ni Dilema na nasa P45,619,366.11.

May walong araw pa ba­go matapos ang taong 2012 at maaaring magkaroon ng lider sa aspetong ito sa Enero 1, 2013.

Si Jonathan Hernandez ang ikatlong  hinete na kumabig na ng mahigit na P40 milyon kita sa horse racing sa kanyang P41,226,579.40.

Nasa malayong ika­apat na puwesto si Fernando Raquel Jr. sa kanyang P30,817,645.00, ha­bang si Jeff Zarate ang na­sa ikalimang puwesto sa P25,840,884.94.

Dikitang sina Dominador Borbe Jr. at Antonio Alcasid Jr. dahil wala pang kalahating-milyon ang layo nila sa isa’t isa.

Si Borbe ang nasa ika­anim na puwesto sa P21,740,733.02 kita laban sa P21,303,994.66 ni Alcasid.

Si Val Dilema ang na­sa ika-walong puwesto sa P20,760,733.18, at  si­nundan ni JA Guce sa P18,677,694.60 at JB Cor­de­ro sa ika-sampung puwesto sa P17,333,440.87.

Una naman si Gu­ce hanggang buwan ng Nobyembre na P5,646.021.75 at sumu­nod si Hernandez sa kan­­yang P4,017.151.03 at Dilema sa kanyang P3,680,056.74.

 

vuukle comment

ANTONIO ALCASID JR.

DILEMA

DOMINADOR BORBE JR.

FERNANDO RAQUEL JR.

GUCE

JEFF ZARATE

JESSIE GU

NUMBER ONE

PAT DILEMA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with