^

PM Sports

Nagdomina ang mga dehado sa San Lazaro

AT - Pang-masa

Dominado ng mga dehado ang pagpapatuloy ng pista sa San Lazaro Leisure Park nang mas marami ang di pinaborang kabayo na kuminang para mapasaya ang mga karerista noong Huwebes ng gabi sa Carmona, Cavite.

Ang mga kabayong Dugo’s Charm, Hyena at Lady Want’s To Know ang mga liyamadong kabayo na nakalusot sa hamon  ng mga di napa-boran upang magkaroon pa ng magandang dibidendo ang  tumangkilik sa gabing ito.

Nanguna ang  Shining Again sa mga dehadista na nanalo matapos pawiin ang pangalawang puwes-tong pagtatapos noong Disyembre 7 sa nakalabang Scarab.

Ang pagbuhos ng ulan ang   nagpalambot sa pista  na siyang nagustuhan ng Shining Again na mula sa gitna at  humarurot para kunin ang liderato sa Orthodox.

 Mula rito ay hindi na nagpabaya pa ang kaba-yong sakay ni JA Guce para iwanan ang ibang  katunggali sa pangunguna ng second choice na Santori ni Jessie Guce.

Nagpamahagi ang win ng P40.00 sa win habang ang 6-3 forecast ay   nagpasok ng P300.50 dibidendo.

Ang Mika Mika Mika na tumakbo sa race two ang ikalawang long shot na nanalo 3YO Handicap Race (06) sa 1,400m distansya.

Si Pat Dilema ang sumakay sa Mika Mika Mika na nanaig sa Puuuma na ginabayan  ng apprentice rider na si RO Niu Jr.

Halagang P38.00 ang ipinamigay sa win habang P536.50 ang ibinigay sa forecast na 7-8.

 

vuukle comment

ANG MIKA MIKA MIKA

HANDICAP RACE

JESSIE GUCE

LADY WANT

MIKA MIKA MIKA

NIU JR.

SAN LAZARO LEISURE PARK

SHINING AGAIN

SI PAT DILEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with