^

PM Sports

10 kabayo maglalaban-laban sa 2YO Maiden-M1-2 race

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sampung mga edad dalawang taon na mga kabayo ang mag-aagawan sa panalo sa pagtakbo ng 2YO Maiden-M1-2 race ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Makikilatis ang husay ng Vera Cruz na nanalo sa isang Novatos race noong Disyembre 10 sa pagharap niya sa ibang may tikas na kabayo sa 1,300m distansyang karera.

Ang iba pang kasali ay ang Passion For Gold, Parthenon, Fort Rae, Cataleya, Seri, Gobernador, Dream Lover, Strike At Sunrise at Real Crispy.

Lahat ng mga kasali ay sumabak lamang sa takbo noong nakaraang linggo kaya’t tiyak na nasa magandang kondisyon.

Ang Strike At Sunrise ay pumangatlo sa isang Philtobo Trophy Race habang ang Parthenon ay pumangatlo sa sinalihang 2YO Maiden Race para asahan na magiging palaban sa karerang ito.

Walong karera ang nakahanay sa ikalawang gabi sa pista sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc.  at ang isa ring tututukan ay ang 1YO M1 3O Maiden 1-2 na pangalawang karera at paglalabanan sa 1,200m haba.

Lahat ng kasali ay hindi nagkaron ng magandang resulta sa huling takbo at ang masasabing kuminang ay ang Jaden’s Song na pumang-apat sa isang 3YO Maiden 1 race noong Nobyembre 29.

Inaasahang palaban din ang My Big Osh na sasakyan sa pagkakataong ito ni Antonio Alcasid Jr. kahalili si RC Tabor habang ang Statueque ay maa-ring humataw din matapos pumanglima sa isang 3YO Maiden race noong Disyembre 4.

 

 

vuukle comment

ANG STRIKE AT SUNRISE

ANTONIO ALCASID JR.

DISYEMBRE

DREAM LOVER

FORT RAE

LAHAT

MAIDEN RACE

MY BIG OSH

PASSION FOR GOLD

PHILIPPINE RACING CLUB INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with