^

PM Sports

Ateneo naka-2 panalo para manatili sa liderato ng UAAP volleyball

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumulekta ng dalawang panalo ang Ateneo upang manatiling nangunguna sa 75th UAAP women’s volleyball na nilaro sa The Arena sa San Juan City nitong nagdaang linggo.

Sa pagbibida nina Fille Cainglet at Alyssa Valdez, ang Lady Eagles ay umukit ng 25-16, 25-13, 25-13, tagum-pay sa UE noong Miyerkules bago isinunod ang malakas na UST sa 25-13, 25-16, 25-17, straights sets noong Linggo tungo sa 3-0 baraha.

Hindi rin natalo ang host National University sa dalawang laro nang hiyain ang UST, 25-16, 25-23, 23-25, 25-13 at UE, 25-13, 22-25, 25-14, 25-18, para malagay sa ikalawang puwesto sa 2-1 baraha.

Nakuha ng nagdedepensang kampeon na La Salle ang unang panalo sa laban sa Adamson, 26-24, 25-19, 25-18, upang makasalo ang Lady Falcons, UP at FEU sa 1-1 baraha. Ang UST ay bumaba sa 1-2 habang kulelat ang UE sa 0-3.

Nasa liderato naman ang host Natio-nal University sa men’s division matapos bumangon sa pagkatalo sa first set tungo sa 19-25, 25-18, 26-24, 25-18 tagumpay laban sa nagdedepensang kampeon FEU.

Ikalawang sunod na panalo ito ng Bulldogs habang ang FEU ay nalag-lag sa 1-1.

FEU nakapanilat sa football

 

Sa football, ipinakita ng pinalakas na FEU na sila ang team-to-beat sa men’s nang kunin ang 3-0 panalo laban sa nagdedepensang kampeon na UP na nilaro noong Linggo sa  Eren-chun Field sa Ateneo de Manila.

Dalawang goals ang inangkin ng striker na si Jesus Joaquin Melliza sa laro para iangat ng Tamaraws sa 2-0 ang karta. Unang tagumpay ay nailista sa runner-up noong nakaraang season na UST gamit ang kumbinsidong 3-0 panalo noong nakaraang linggo.

Magandang simula rin ang nakita sa FEU Lady Tamaraws na ginulat ang nagdedepensang kampeon na UST Lady Tigresses, 3-0,  noong Disyembre 6.

Fencing bubuksan ngayon

 

Sisimulan ngayon ng UST at UE ang kampanya upang manatiling kampeon sa fencing sa Ninoy Aquino Stadium.

Laro sa men’s foil at women’s epee at sabre ang aksyong mapapanood na magsisimula sa ganap na ika-9 ng umaga.

Pakay ng Tigers ang ikalawang dikit na kampeonato sa kalalakihan habang record na ikapitong titulo sa kababaihan ang target na tuhugin ng Lady Warriors.

“Lakas ng loob ang kailangan namin dahil lahat ng teams pantay-pantay ang lakas,” wika ni Tigers coach at dating National player Emerson Segui.

Hindi naman magagamit ng Lady Warriors ang MVP noong nakaraang taon na si Patricia Marie Melendres at dating SEA Games bronze medalist na si Cristine Almas pero hindi natitinag si UE mentor Rolando Canlas. (AT)

ALYSSA VALDEZ

ATENEO

CRISTINE ALMAS

EMERSON SEGUI

FILLE CAINGLET

JESUS JOAQUIN MELLIZA

LA SALLE

LADY EAGLES

LADY FALCONS

LADY WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with