^

PM Sports

Meralco inupuan ang No. 4

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng Meralco ang kampanya sa elimination round ng 2012-13 PBA Philippine Cup sa pa­mamagitan ng isang 87-77 panalo kontra sa San Mig Coffee sa Mall of Asia Arena.

Dahil sa panalo ay nag­karoon ng 8-6 pana­lo-talo karta ang Bolts ka­pareho ng Alaska sa pagtatapos ng elims at nagsemento ng best-of-3 quarterfinal series laban sa Aces na magsisimula sa Miyerkules sa Smart Ara­neta Coliseum.

Bagama’t natalo, magta­tapos pa rin sa No. 2 ang Mixers na may 10-4 re­cord at may ‘twice-to-beat’ advantage sa quar­ter­­finals kontra sa No. 7 Pe­tron Blaze.

“We really wanted to put our spirit to the test in terms of finishing the eli­mination round. This is the best finish for our young franchise – we are seeded No. 4. That is why we are happy. We just wan­­ted to break barriers. Not that we were able to zero in on that No. 4 slot, our minds will now fo­cus on the quarterfinals against Alaska,” ani coach Ryan Gregorio.

Tatlong players ang umiskor ng double figures pa­ra sa Meralco sa pa­ngunguna ng tig-15 puntos nina Mark Cardona at Rey­nel Hugnatan.

Nakabalik naman mu­la sa isang delikadong ankle sprain sa second quarter si Sol Mercado pa­ra magtapos na may 12 puntos at limang assists.

Ang 19 puntos ni PJ Simon at career-high 15 puntos ni rookie Aldrech Ramos ang nagbida para sa San Mig Coffee, hindi pinaglaro si James Yap.

Ipinahinga ng Mixers si Yap dahil sa bone spurs sa ankle.

Pinakawalan ng Me­ralco ang isang kalama­ngang umabot sa 10 pun­tos sa second quarter pagkatapos nakatabla ang San Mig Coffee sa 60-60 may 2:51 pa ang natitira sa pangatlong yugto.

Pero agad itong sinagot ng Bolts sa pamama­gitan ng isang 8-1 run para agawin ang 68-61 bentahe papasok ng fourth quarter.

Sa liderato ni Hugna­tan, ay lumamang pa sa 81-69 ang Meralco sa la­ro.

Meralco 87 - Cardona 15, Hugnatan 15, Mercado 12, Borboran 9, Buenafe 9, Reyes 8, Sharma 7, Hodge 5, Salvacion 3, Nabong 2, Ross 2, Bulawan 0.

San Mig Coffee 77 - Simon 19, Ramos 15, Barroca 8, Pingris 8, De Ocampo 8, Gaco 5, Devance 4, Intal 3, Ponferada 2, Villanueva 2, Gonzales 2, Reavis 1, Pa­can­a 0.

Quarterscores: 19-15; 45-39; 68-61; 87-77.

 

ALDRECH RAMOS

DE OCAMPO

HUGNATAN

JAMES YAP

MALL OF ASIA ARENA

MARK CARDONA

MERALCO

PHILIPPINE CUP

SAN MIG COFFEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with