^

PM Sports

LA Clippers nakaligtas sa Jazz

Pang-masa

SALT LAKE CITY  -- Alam na ni Randy Foye kung ano ang mangyayari.

Ilang beses na niyang nasaksihan kung anong ginawa ni Chris Paul bilang teammate niya sa Los Angeles noong nakaraang taon.

Sa pagkakataong ito, sa pagharap sa Clippers, sumugod si Foye sa backcourt para agawin ang inbounds pass para sa 3-pointer na nagpanalo sana ng laro para sa Utah Jazz.

Nauna nang nagpasok ng tres si Foye na nagdikit sa Utah sa isang puntos sa Clippers, 1.2 segundo na lamang ang natitira sa laro.

Ngunit ang kanyang pinakamahalagang tres sa laro ay nagmintis na siyang  nagbigay sa Clippers ng 105-104 panalo sa Salt Lake City.

“I wish there were 3 seconds left because I would have been able to get to the basket or line it up and knock it down,’’ sabi ni Foye, pumasok sa Jazz bilang free-agent nitong offseason. “But it wasn’t meant to be.’’

Pinangunahan ni Blake Griffin ang Los Angeles sa kanyang season-high 30 points at nagdagdag si Jamal Crawford ng 20 off-the-bench, kabilang ang dala-wang huling free throws para sa Clippers.

Sa Auburn Hills, Michigan, umiskor si Brandon Knight ng 17-points at nagtala sina Tayshaun Prince at Kyle Singler ng tig-15-puntos nang igupo ng Detroit ang Cleveland, 89-79.

BLAKE GRIFFIN

BRANDON KNIGHT

CHRIS PAUL

JAMAL CRAWFORD

KYLE SINGLER

LOS ANGELES

RANDY FOYE

SA AUBURN HILLS

SALT LAKE CITY

TAYSHAUN PRINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with