Kevin Love lumaro na pero natalo pa rin ang Wolves
MANILA, Philippines - Sinorpresa ni Minnesota forward Kevin Love ang lahat nang siya ay maglaro sa unang pagkakataon ngayong season nitong Miyerkules bagama’t hindi pa siya inaasahang lumaro matapos magka-injury sa kamay.
Maganda ang ipinakita ni Love kung saan nakita ang kanyang pang-All-Star na porma.
Nabali ang kanang kamay ni Love sa isang pre-season workout noong Oct. 18 at inasahang mawawala ng 6-8 weeks ngunit mas mabilis na nakabalik sa court at umiskor ng 34 points at 14 rebounds sa 101-94 pagkatalo ng Timberwolves sa Denver Nuggets.
Sa likod ng kanilang pagkatalo, naghiyawan ang mga fans ng Minnesota nang i-announce ang pangalan ni Love sa starting line-up.
Hindi sinasabi ng team kung kailan babalik sa laro si Love at isinikreto rin nila ang naging progreso nito.
“I didn’t want to make a big deal about it,” sabi ni Love. “I told my teammates and they didn’t really believe me and once they saw a jersey in my locker, they believed it was true.
- Latest