^

PM Sports

Ramos kinuhang kapalit ni Baculi

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinalik si Gerardo ‘Bong’ Ramos bilang  head coach sa Philippine Basketball Association (PBA) ng Barako Bull kapalit ni Junel Baculi na inaasahan namang di magtatagal ay  lilipat sa Globalport.

Pinalitan ng Barako Bull management si Ba-culi matapos malagay ang Energy Cola sa pakikisalo sa ikawalong puwesto sa Petron Blaze Boosters taglay ang 3-6 panalo-talo.

Sinabi ni team mana-ger Raffy Casyao na umaasa silang ang pagpapalit ng  coach ay makakatulong sa kanila upang gumanda ang kampanya ng team sa kasalukuyang Philippine Cup.

Samantala, sinabi ni Globalport team owner Mikee Romero na mana-natiling coach ng kanyang team si  Glenn Capacio hanggang matapos ang kasalukuyang conference.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hinahabol ni  Romero si Baculi. Nagpapanalo ang tambalan ni Romero at Baculi bilang manager-coach kabilang ang  gold medals win sa 2006 SEABA Champions Cup at sa 2007 SEA Games.

Posibleng pumalit si Baculi kay Capacio pagkatapos ng Philippine Cup.

Sa ilalim ni Capacio, ang Batang Pier ay nangungulelat sa kasalukuyang all-Filipino tournament taglay ang 1-8 record. Malamang na masibak sila ng maaga at ‘di makapasok sa playoffs kung hindi sila magpapanalo sa huling bahagi ng eliminations. 

Ito rin ang kailangan ng Energy Cola  sa tulong ni Ramos na magbabalik sa PBA bilang  head coach matapos hawakan ang  FedEx gayundin ang  Barako sa interim basis.

BARAKO BULL

BATANG PIER

CAPACIO

CHAMPIONS CUP

ENERGY COLA

GLENN CAPACIO

GLOBALPORT

JUNEL BACULI

PHILIPPINE CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->