Zamboanga City nagbida sa Mindanao leg ng 2012 Batang Pinoy
DAPITAN CITY, Philippines – Katulad ng dapat asahan, nanguna ang Davao City at Zamboanga City sa pagwawakas ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2012 Mindanao leg.
Kumolekta ang Zamboanga City ng kabuuang 42 golds, 27 silvers at 25 bronzes sa 11 sports kung saan ang mga gold at silver winners ay makakalaro sa National Finals sa Iloilo City sa Disyembre 5-9.
Nanguna rin ang Zamboanga City sa karatedo sa kanilang sinikwat na 14 gold medals bukod pa sa 13 sa swimming at 7 sa athletics.
Pumangalawa ang Davao City sa sinikwat na 40 gold, 27 silver at 14 bronze medals.
Ang 15 ginto ng Davao City ay mula sa swimming kung saan ang lima dito ay galing sa 15-anyos na si Dara Clariza Evangelista.
Sa chess, anim na ginto ang isinulong ni Fide Master Austin Jacob Literatus ng Davao City mula sa kanyang mga panalo sa boys standard, blitz and rapid at team events.
Kumuha ang Davao City ng 10 gold medals sa chess at may tig-anim sa arnis at athletics at dalawa sa karatedo.
Nagbida naman ang mga atleta ng General Santos City at Davao del Norte sa taekwondo, habang nagbida ang Panabo City at Misamis Oriental sa boxing event.
Anim na gintong medalya ang kinopo ng Gen. Santos City sa taekwondo, habang may tatlo ang Davao del Norte.
Nagtakbo ang Gen. Santos City ng anim na gold medals sa athletics at may lima ang Panabo City sa boxing kasunod ang tatlo ng Misamis Oriental.
- Latest