^

PM Sports

Gilas Boys tambak sa Australia

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkasya sa kulelat na puwesto ang Gilas Boys matapos ang 115-53 tambak na kabiguan kontra sa Australia sa huling bahagi ng 2024 FIBA U17 World Cup classification rounds kahapon sa Ahmet Comert Sports Hall sa Istanbul, Turkey.

Walang naipanalo ang Gilas Boys kahit isang laro sa pitong asignatura para sa ika-16 na puwesto ng 16-team world cham­pionships.

Ito na ang pinakamaba­bang ranggo ng Batang Gilas sa world stage matapos ang 15th at 13th place finish noong 2014 at 2018 editions, ayon sa pagkakasunod.

Bukod doon, panay tambak din ang nalasap na pagkatalo ng Nationals na tumanggap ng pambihirang losing margin average na 51.2 puntos.

Unang lumuhod ang Gilas Boys, world No. 25, kontra sa No. 7 Lithuania, 107-48, No. 2 Spain, 96-34, at No. 15 Puerto Rico, 98-53, sa Group A.

Sa Round of 16, hindi rin nakaporma ang Nationals kontra sa reigning champion at world No. 1 na USA, 141-45, bago yumukod kontra sa No. 16 na Argentina, 83-67, at No. 24 na China, 85-66.

Kontra sa world No. 24 na Australia, bumalentong agad ang Gilas Boys sa 16-31 deficit sa first quarter tungo sa 62-point na kabiguan.

Tanging sina Edryln Morales at Joaquin Gabriel Ludovice lang na may 17 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, ang nakapagpasiklab para sa Gilas Boys  na ininda ang injury ni ace guard Kieffer Alas bago pa lang magsimula ang torneo.

Bumida para sa Australians si Dash Daniels na kumamada ng 28 points, 4 rebounds at 4 assists sahog pa ang 6 na steals.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with