BP Mindanao leg idaraossa Dapitan City sa Nov. 7-10
MANILA, Philippines - Ang Dapitan City ang siyang mangangasiwa sa Mindanao leg ng POC-PSC Batang Pinoy Games 2012 na nakatakda sa Nobyembre 7-10.
Idaraos ang opening ceremonies sa Nobyembre 6 sa Jose Rizal Memorial State University Sports Complex na magiging venue ng track and field at swimming competitions.
Pangungunahan ni Dapitan City Mayor Patri Bajamunde-Chan ang pagtanggap sa mga atleta na sasabak sa 11 events, ang 10 ay mga qualifying events para sa national finals.
“We are looking forward to working side by side with the PSC in discovering athletic talents from this part of the country,’’ sabi ni Bejamunde-Chan na pumirma ng memorandum of agreement sa PSC officials.
Orihinal na itinakda ang Visayas leg ng Batang Pinoy sa Cagayan de Oro, ngunit nagdesisyon ang PSC na ilipat sa Dapitan City ang event matapos ang matagumpay na pagsasagawa nito ng 2011 Palarong Pambansa.
“We believe that Mindanao particularly Zamboanga del Norte is an athletic powerhouse especially in combat sports and athletics,” ani Batang Pinoy project director, PSC lawyer Jay Alano.
Idinaos na ang mga qualifying legs ng 2012 Batang Pinoy para sa National Capital Region sa Marikina City, ang Northern Luzon sa Lingayen, Pangasinan at ang Southern Luzon sa Calapan, Mindoro Oriental.
Maliban sa pencak silat na isang national final event, ang mga gold at silver medalists sa 10 pang sports ay maaaring makita sa national finals sa Iloilo City sa Disyembre 5-8.
Ang Mindanao leg ay ang ikaapat sa five-phase qualifying.
Ang Visayas leg ay nakatakda naman sa Nobyembre 21-24 sa Tacloban City.
- Latest