^

True Confessions

Hiyasmin (68)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“E MALAKI naman ang suweldo mo at hindi ka naman kinakapos kaya huwag mo nang lakihan ng upa si Hiyasmin,’’ sabi ng nanay ni Dax.

“Sige.’’

“Kasi nakakatulong naman siya sa iyo. Palagay ko nga kaya malinis ang banyo e dahil siya ang naglilinis.’’

“Sabi ko nga sa kanya e huwag nang linisan.’’

“Puwede ba ‘yun e guma­gamit din siya ng banyo. Basta ang sa akin, kapag nakaka­tulong e hindi na dapat lakihan ang renta. Isa pa’y estudyante siya. Baka nanay lang niya ang nagpapaaral sa kanya.’’

“Nanay nga lang dahil anak siya ng Kuwaiti.’’

“Bakit ba siya naging anak ng Kuwaiti?’’

“Domestic helper dati ang mama niya sa Kuwait.’’

“Ah.’’

“Anak daw ng amo ang nakabuntis.’’

“Ah kaya pala. Guwapo siguro ang ama—ang ganda ni Hiyasmin eh!’’

“’Yun ang story kung bakit naging tao si Hiyasmin.’’

“Kaya nga huwag mo nang mahalan sa upa. Isa pa’y natutuwa ako kay Hiyasmin—na­pa­kabait na bata.’’

“E kung kumuha pa ako ng isa o dalawang boarders?’’

“Huwag na. Tama na si Hiyasmin. Baka magkaroon ka lang ng problema. Kung minsan kasi kapag maraming boarders, marami ring problema. Kung minsan nag-aaway. At saka paano ka nakasiguro na ang ma­kukuha mong boarders ay kasing bait at kasing sipag ni Hiyasmin.’’

“Talagang gustung-gusto mo si Hiyasmin, ano Nanay?’’

“Kasi nga e mabait at ma­sipag—masarap magluto.

“Sige e di hindi ko na ma­mahalan ng singil si Hiyasmin.’’

“Oo. Malaking tulong sa kanya ‘yun.”

Maya-maya, lumabas sa room niya si Hiyasmin.

“Hiyasmin, kain ka na—baka malipasan ka ng gutom. Mayroon akong ibabalita sa iyong maganda pagkatapos mong kumain,’’ sabi ng nanay ni Dax.

“Sige po, Nanay.’’

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with