^

True Confessions

Hiyasmin (26)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“HALIKA at nang makita mo na ang iyong kuwarto. Akala ko hindi ka pa lilipat at palalagyan ko pa sana ng banyo,’’ sabi ni Dax at kinukuha ang dalang ma­leta ni Hiyasmin.

“Ako na Sir Dax. Ma­gaan lang ito,’’ sabi ni Hiyasmin. Naisip ni Dax na talagang ma­tatag na babae si Hiyasmin.

Pumasok sila sa bahay. Tinungo ang kuwarto na ookupahan ni Hiyasmin. Binuksan ni Dax ang pinto at saka ilaw.

“Ito ang magiging kuwarto mo. May kama na at ilang gamit diyan. May built-in ca­binet. May aircon. Kaunting linis na lang at puwede ka nang matulog. Ilalabas ko ang sapin ng kama at pati mga punda. Pati yung kurtina e tanggalin mo at papalitan natin. Ang natutulog dito ay ang tatay at nanay ko. Dinadalaw kasi nila ako buwan-buwan. Pero mula nang sumakit ang tuhod nila, du­malang na ang pagdalaw.’’

“Kapag dumating po sila, saan sila matutulog?’’

“Saka ko na lang puproblemahin yun. Puwede sila sa room ko at ako naman ay sa sopa sa salas. Mga dalawang araw lang naman kung mag-stay sila rito.’’

“Kakahiya sa’yo Sir Dax, dahil sa akin, ikaw ang magsasakripisyo na sa salas ma­tutulog.’’

“Oks lang yun. Basta ang usapan natin, boarder ka rito. Baka kasi tanungin ka ng nanay ko kaya mabuti nang handa ka sa isasagot.’’

“Opo, Sir Dax. Ma­liwanag po.’’

“Maski kung may magtatanong sa’yo—halimbawa ang kapitbahay—sabihin mo boarder ka rito.’’

“Tatandaan ko po, Sir Dax.’’

“Mabuti nang handa ka sa isasagot.’’

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with