Kailangang sabihin ni Brent ang totoo kay Julio.
“Wala si Vivian, Julio. Sabi ng secretary niya, naka-leave raw.’’
“Naka-leave?’’
“Oo sabi ng secretary niya na si Mara. Kasi may itatanong sana ako kay Vivian tungkol sa ginawa kong report.’’
“Narito kasi ako sa Hong Kong kasama ng boss ko. Tinatawagan ko sa cell phone niya pero hindi ko makontak kaya tumawag na ako riyan. Ikaw ang una kong naisip na tawagan. Alam kong ikaw lang ang maayos na kausap diyan.’’
“Ah nasa abroad ka pala, Julio.’’
“Oo, Brent, isang linggo na ako rito. May inaayos ang boss ko rito at nagsa-shopping na rin.’’
“E kailan ka babalik?’’
“Baka mga tatlong araw pa kami rito.’’
“A mabuti ka pa at pabiyahe-biyahe lang.’’
“Nakakapagod Brent. Sige Brent, ita-try kong tawagan uli si Vivian. Pero ang alam ko, hindi siya naka-leave. Hindi nagli-leave ‘yun. Pati Saturday nga pinapasukan.’’
“Sige, Julio. Mag-ingat ka na lang.’’
“Salamat Brent. Pag-uwi ko, inom uli tayo ha?”
“Sige Julio.’’
Natapos ang pag-uusap nila.
Nagkakaroon ng katotohanan ang kutob ni Brent na magkasama sina Vivian at Oscar. Sinasamantala nila ang pagkakataon.
Wala ang pusa kaya naglalaro ang mga daga.
(Itutuloy)