^

True Confessions

Kabigan (53)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Inayos ni Dex ang mga kaila­ngan para mabigyan ng desenteng burol ang kaibigang si King. Ngayon niya maibubuhos ang pagganti sa kaibigan na noon ay naging mabuti sa kanya. Ngayon ang tamang panahon para magbayad nang lubus-lubusan. Gagastusan niya ang burol at paglilibingan ni King.

Nang kukunin na ng punerarya ang bangkay ni King, kinausap siya ni Lara. Sa pagitan ng hikbi, sinabi nito kay Dex: “Ikaw na ang bahala kay King, Dex. Wala akong alam. Gulung-gulo ang isipan ko.’’

“Oo. Ako ang bahala. Ihanda mo ang pinakamagandang isusuot kay King para kasama nang dadalhin sa punerarya. Ang alam ko, paborito ni King na naka-amerikana siya. Noon pa, gusto na niyang naka-amerikana.’’

“Oo Dex. ‘Yun ang paborito niyang isuot. Ihahanda ko.’’

“Paano natin ipaaalam sa mga kamag-anak ni King ang lahat.’’

“Iti-text ko sa kaisa-isa niyang kapatid na nasa U.S.’’

“Sige, aayusin ko ang iba pang papeles sa pag­lilibingan niya.’’

‘‘Bahala ka na Dex.’’

‘‘Akong bahala, Lara.’’

Naiburol nang maayos si King. Naipaalam na sa kaisa-isang kapatid sa U.S. ang nangyari pero hindi umano makakauwi. Walang kamag-anak na nakarating mula sa Laguna. Maski sa mga kamag-anak ni Lara, wala rin. Mga kasamahan lang sa trabaho ni King ang dumalaw sa burol. May dumalaw na mga kasa­mahan ni Lara sa trabaho.

Apat na araw ibinurol si King.

Inilibing sa isang me­­morial park sa ikalimang araw.

Nang nag-alisan na ang mga nakalibing, ta­nging sina Dex at Lara ang naiwan. Hanggang lumatag ang dilim sa memorial park.

Niyaya na ni Dex si Lara.

‘‘Dumidilim na. Tayo na Lara.’’

(Itutuloy)

KING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with