Huling Eba sa Paraiso (172)
‘‘Di ba ang balak mo kapag ikakasal tayo e gagawin sa Manila Cathedral at ang reception ay sa isang five-star hotel?’’
‘‘Oo. ‘Yun ang gusto kong kasal natin. Meron ka bang gustong baguhin.’’
‘‘Oo. Hihilingin ko sa’yo, huwag na sa Maynila tayo magpakasal. Dito na lang—sa simbahan sa bayan. Tapos ang reception ay dito sa aming bahay. Malawak naman ang bakuran at saka konti lang naman ang guest natin.’’
Nag-isip si Drew.
‘‘Ayaw mo ng bongga?’’
‘‘Oo. Gusto ko simple lang. At para makatipid din tayo. Naisip ko, hindi naman mahalaga ang bonggang kasal kundi ang wagas na pagmamahalan ng dalawang nilalang. Ano sa palagay mo?’’
‘‘Sige kung ‘yan ang gusto mo. Sa simbahan sa bayan tayo ikakasal tapos dito ang reception o kainan sa bahay.’’
‘‘Oo Drew.’’
‘‘E paano ang honeymoon?’’
‘‘Ah ‘yun ang sa Japan. Di ba sabi mo, nandun ang sister mo? Gusto ko, dun tayo magha-honeymoon.’’
‘‘Aprub!’’
(Itutuloy)
- Latest