Monay (186)
“Mas masarap kapag ang fishball ay isasawsaw mo ng bagong luto. Malalasap mo ang sarap,’’ sabi ni Joem.
‘‘Oo nga! Kapag lumamig wala nang lasa.’’
‘‘Kaya nga ‘di ba mas masarap ang FB kapag tinutusok sa kawali habang niluluto.’’
‘‘Oo. Tapos isasawsaw sa spicy suka na gawa mo. Mamaya higupin ko ‘to.’’
‘‘Kumain ka nang kumain Monay. Pagbalik mo sa US, wala ka nang makakaing ganyan dun. Sabi mo ‘di-masarap.’’
‘‘Oo.’’
‘‘Mga gaano ka ba katagal dito?’’
‘‘One month.’’
‘‘A maipagluluto pa kita ng FB.’’
‘‘Tuparin mo ‘yan, Joem.’’
‘‘Oo naman. Ikaw pa. Espesyal ka sa akin.’’
Napangiti si Monay.
Saka ipinagpatuloy nito ang pagkain ng fishball.
Nang matapos kumain, sa salas sila nagpatuloy magkuwentuhan.
“Tulungan mo akong mahanap ang friend ko sa FB, Joem – si Pandekoko.’’
“Hayaan mo bago ka umalis, makikilala mo na si Pandekoko.’’
(Itutuloy)
- Latest