^

True Confessions

Monay (34)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Tinapik-tapik muli ni Tito Nilo sa balikat si Joem bilang paghanga rito.

‘‘Siguro natutuwa ang mama mo kung nasaan man siya ngayon dahil nagsisikap ka sa kabila na ikaw ay nag-iisa. Malaki ang paniwala ko na malayo ang mararating mo, Joem,’’ sabi nito.

‘‘Salamat po uli, Tito Nilo. Nakapagdadagdag po ng lakas ang mga sinasabi mo sa akin.’’

‘‘Ipagpatuloy mo lang ‘yan.’’

‘‘Opo. Gagawin ko po.’’

‘‘Maiba ako ng usapan, saan ka nga pala kumuha ng puhunan sa pagpi-fishball?’’

‘‘Mahirap pong paniwalaan, Tito Nilo pero iniwanan po ako ng pera ni Mama.’’

“Talaga? Paanong nang­yari? Paano iniwan?’’

Ikinuwento ni Joem kung paano niya nakita ang pera sa cabinet ng damit ng kanyang mama.

“Pinakatagu-tago po sa ilalim ng damit ni Mama. Palagay ko po, ang perang ‘yun ang pinag-awayan nila ng demonyong si Mauro. Ayaw ibigay ni Mama kaya nagalit ang demonyo. Ang teorya ko po, dadalhin na sa akin ni Mama ang pera ng araw na mapatay siya. Nakalagay na po ang pera sa sobre.’’

Napailing-iling si Tito Nilo. Tila nabagbag ang damdamin.

‘‘Napakabuti ng mama mo, Joem.’’

“Oo nga po Tito. Ako pa rin ang iniisip niya sa kabila ng mga dinaranas niyang kalupitan sa demonyong si Mauro.’’

‘‘At alam mo ang naisip ko makaraang mangyari ang pagkakapatay sa mama mo, mabuti na lang at pinalayo ka niya. Kung nagkataon na narito ka rin ng mga sandaling iyon, baka kayong dalawa ang na­patay ng walanghiya.’’

“Maaari nga po Tito. Kasi ang drug addict pala ay wala nang nararamda­mang awa sa kapwa. Mis­tulang sinasaniban ng de­monyo kaya balewala kung pumatay. Kaya nga po nang ibalita mo na nabaril ng pulis ang demonyo, tuwang-tuwa ako. Nabigyan nang mabilis na hustisya si Mama.”

“Oo nga. Mabilis na na­rinig ang dasal mo.’’

“Opo.’’

Maya-maya, nagpa­alam na si Tito Nilo.

“Dadalawin na lang kita rito, Joem. Hindi ko masabi kung kailan pero sisikapin kong dalawin ka.’’

“Salamat po uli.’’

“Basta ang payo ko ay mag-ingat ka lalo sa gabi. Maraming addict ngayon. Iiwasan mo.’’

“Opo Tito. Nag-iingat po ako lagi.’’

“Magdadasal ka para sa proteksiyon.’’

‘‘Opo Tito.’’ (Itutuloy)

NILO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with