Isang araw makaraang dumating sa Maynila, si Dado naman ang nagtungo sa inuupahan ni Gab sa silong. Sabado ng umaga. Kumatok siya. Si Gab ang nagbukas. Pinapasok siya. Pinaupo sa sopa.
‘‘Kumusta Gab?’’
Nagtawa si Gab.
‘‘Para namang ang tagal nating ‘di nagkita kung kumustahin mo ako. Kahapon lang tayo nagkita.’’
“Pakiramdam ko kasi ang tagal na nating hindi nagkikita.’’
“Na-miss mo na agad ako?’’
“Oo.’’
“Sabagay ako rin naman.’’
Tumingin sa kabuuan ng kuwarto si Dado.
“Sinong kasama mo Gab?’’
“Si Briel. Pero nasa school siya ngayon.’’
“’Yung utol mong si Ino, kumusta?’’
“Wala akong balita.’’
“Baka hindi na magpapakita sa’yo?’’
“Imposible ‘yun. Wala siyang ibang malalapitan kundi ako.’’
‘‘Dapat huwag malaman ng mama mo ang nangyayari kay Ino at baka magdulot ng stress sa kanya.’’
“’Yan nga ang iniingatan ko Dads. Kahit nga ang pagkamatay ni Papa, hindi ko binabanggit. Baka pagnalaman niya, mag-isip na naman.’’
“Tama ang pasya mo na huwag nang magkuwento sa kanya. Ikaw din ang mahihirapan kapag may nangyari uli sa mama mo – sa mama natin pala.’’
Tumangu-tango si Gab.
“Siyanga pala, may gagawin ka ba bukas?’’
“Wala naman. Bakit Dads?’’
“Lumabas tayo. Kakain, mamamasyal.’’
“Sige’’
“Para maiba naman ang kapaligiran natin.”
Masarap ang kanilang pag-uusap nang may marinig silang katok sa pinto.
“Baka si Briel na ‘yan!’’
Binuksan ni Gab.
Si Ino ang dumating! (Itutuloy)