^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (61)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagpatuloy si Gab sa pagkukuwento ng buhay nito at unti-unti nang nauunawaan ni Dado ang lahat. Nagkakaroon na ng hugis ang mga tauhan na ikinukuwento ni Gab sa kanya. Mayroon nang nabu­buo sa kanyang isipan kung sino ang mga lalaking naki­kita niyang nagtutungo sa inu­upahang kuwarto ni Gab.

“Natuwa ako nang unti-­unting makarekober si Mama sa depression bunga nang paghihiwalay nila ni Papa. Nabawasan ang mga alala­hanin ko at pangamba. Hang­gang sa tuluyan na ngang bumalik ang kan­yang sigla at naging masa­yahin na. Ang kapatid na matandang dalaga ni Mama ang nag-alaga sa kanya habang ako at dala­wang kapatid na lalaki ay narito sa Maynila.

‘‘Nagtrabaho ako sa call center para madagdagan­ ang kinikita. Kung sa share lamang ni Mama sa canteen ang aming aasahan­ ay kulang na kulang kaya kaila­ngang gumawa ako ng pa­raan. Pinagpatuloy ko ng pag-aaral ang dalawa kong kapatid. ‘Yung suweldo­ ko sa call center halos sa tuition at allowance nila napupunta. Pero sabi ko sa sarili, kakayanin­ ko ang lahat. ‘Yung suweldo ni Mama sa share bilang may-ari ng canteen sa may UST ay pinadadala ko sa kanya sa probin­siya. Kailangan kasi niya ang pera roon. Para may maidagdag sa kinikita, naki­-partner ako sa isang dating kaklase na may puwesto ng damitan sa Echague. Kahit pa­ano kumikita ako roon. Iyon ang dahilan kaya nagtutungo ako sa Quiapo gaya nung nakasabay mo ako nun.

‘‘Okey na sana ang agos ng buhay naming magkakapatid. Pero nabago nang big­lang dumating si Papa at sinabing iniwan na siya ng kabit at wala na siyang mapuntahan. Hindi na raw siya makakita ng trabaho dahil senior na.

“Gusto kong magsisigaw sa pagka­ka­taong iyon. Pero pinigil ko ang sarili. Nag­timpi ako. Bakit may ganitong ama na pagkatapos kaming iwan dahil sa kanyang kabit ay biglang susulpot at parang pusang magpapaampon. Para bang wala siyang ginawang kasalanan sa amin…’’

Tumigil si Gab sa pagsa­salita.

Nang tingnan ito ni Dado, may luhang nag-uunahan sa mga pisngi nito.

(Itutuloy)

BABAE

SILONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with