Alupihan (224)

Nagulat si Cris sa biglang pagsigaw ni Hani. Napasugod siya sa kinaroroonan nito.

“Bakit Hani?’’

“Ang laki ng alupihan Kuya!’’

“Nasaan?’’

“Nasa ilalim ng bunot ng niyog!’’

Akmang dadamputin ni Cris ang bunot ng niyog pero pinigilan siya ni Hani.

“Huwag Kuya, baka ka makagat! May kamandag ‘yan. Ibang klase ang alupihan na ‘yan!’’

“Titingnan ko kung ga­ano kalaki.’’

“Kumuha ka ng patpat Kuya at ‘yun ang gamitin mo para maiangat ang bunot.’’

Kinuha ni Cris ang ka­wayan sa ibabaw ng tapahan na may habang isang metro.

Iyon ang ginamit niya para maiangat ang bunot.

Nang maiangat niya ang bunot, lumutang ang alupihan. Kakaiba nga ang alupihan. Makintab ang balat na kulay kastanyas. Nakakadiri ang maraming paa. Sa tantiya niya ay kasinglaki ng hintuturo ang alupihan.’’

“Patayin mo Kuya! Pa­tayin mo! Makamandag ‘yan! Maaring mamatay kapag­ nakagat niyan! Ibang klaseng alupihan ‘yan!’’

Walang inaksayang oras si Cris. Hinampas ng patpat ang alupihan. Hindi niya nasapol sa unang hampas at nakatakbo pa palapit sa kanya. Tangka pang manga­gat. Parang may isip ang alu­pihan.

Nagsisigaw si Hani.

“Ayaaan Kuya sa pa­anan mo! Hampasin mo! Ham­pasin moooo!’’

Hinampas ni Cris.

Sapol!

Nagbali-baliktad ang alupihan!

Hinampas uli ni Cris.

Kumisay-kisay ito.

Kumislut-kislot.

Isang hampas pa at tumigil na pagkislot.

Hanggang tuluyan nang tumigil sa paggalaw.

Patay na!

Nang tingnan naman ni Cris si Hani ay nakita niya itong na­mumutla. Parang nawawalan ng lakas.

‘‘Anong nangyayari sa’yo Hani?’’

‘‘K-kuya, parang na­hihilo ako. K-kuya....’’

At unti-unting natumba.

(Itutuloy)

Show comments