‘‘Magpapakasal tayo Hani,’’ sabi ni Cris na halatang masayang-masaya ang boses. Pinipisil niya ang malambot na palad ni Hani.
“Ang bilis mo naman Kuya. Ngayon ka lang nagtapat e kasal na agad ang gusto mo.’’
“Ganito talaga ako Hani. Mabilis akong magpasya. Baka kasi maunahan pa ako ng iba.’’
“Wala ka namang karibal sa akin, Kuya.’’
“Kahit pa. Iba na ang panahon ngayon, Maya. Kailangan e mabilis umaksiyon.’’
Napahagikgik si Maya.
“Iba ka pala Kuya.’’
“Iba talaga akong magmahal, Maya.’’
“Talaga bang totoo ang mga sinasabi mo Kuya? Hindi ka ba nabibigla lang kasi alam ko naman na hindi ako maganda. Medyo seksi at makinis lang ang kutis ko pero hindi maganda ang mukha.’’
“Maganda ka Hani. Ako ang paniwalaan mo. Wala kang kasingganda!’’ At saka muling pinisil ni Cris ang malambot na palad nito.
May luhang namalisbis sa mga mata ni Hani.
“O luluha pa.’’
“Luha ito ng kasiyahan Kuya. Labis mo akong pinasaya.’’
“Ako rin labis mo akong pinaligaya, Hani.’’
“Gusto kong makilala ka ng mga magulang ko at mga kapatid.’’
“Uuwi tayo sa probinsiya n’yo Hani. Gusto ko silang makilala. At ako na mismo ang magsasabi sa kanila na pakakasal tayo.’’
Sa labis na kaligayahan ay niyakap ni Hani si Cris. Mahigpit na mahigpit ang pagyakap.
Damang-dama ni Cris ang init ng pagmamahal ni Hani sa pagkakayakap. Talagang mahal nila ang isa’t isa.
(Itutuloy)