^

True Confessions

Alupihan (212)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pero kahit may pagka­kataon na si Cris para lapitan at kausapin si Hani upang magtapat ng sinasaloob, hindi niya magawa.

Nahihiya siya at walang lakas ng loob.

Naiisip niya na baka masamain ni Hani ang gagawin niyang pagtatapat at masira ang maganda nilang pagsasamahan. Baka ang ka­nilang maayos na pagsasama ay maapektuhan. At ayaw niyang mangyari ang ganun.

Kaya problemado siya. Isip siya nang isip kung ano ang mabuting gawin na hindi maaapektuhan ang sa­ma­han nila ni Hani.

Madalas mapabuntunghininga si Cris.

Lingid kay Cris, naoobserbahan pala ni Hani ang mga kilos niya. Napapansin pala ni Hani ang pag-iisip niya at ang madalas na pag­buntunghininga. Madalas ding napapansin ni Hani na natitigilan si Cris. Kung minsan ay palakad-lakad na tila may malalim na iniisip.

Nag-alala si Hani na baka may problema si Cris kaya ka­kaiba ang mga kinikilos nito.

Naisip ni Hani na baka nahihiya lang si Cris na magsabi ng problema nito. Alam niya na ang mga lalaki ay mahu­say magtago ng problema. Sinasarili na lang kaysa ipagtapat sa mga taong malalapit sa kanya­. Ang mga taong nagtatago ng problema ang madalas uma­nong nagpapakamatay.

Kinabahan si Hani.

Baka dumating sa punto na ganun ang gawin ni Cris.

Pero sa tingin naman niya ay hindi ganun si Cris. Baka lang talaga ganun itong mag-isip. Baka naman hindi mabigat ang sinasarili nitong problema.

Umusal ng dalangin si Hani para kay Cris.

Linawan mo po ang isipan ni Kuya Cris. Apektado rin ako kapag may nangyari sa kanya.

Lumipas pa ang araw at patuloy pa ring napapansin ni Hani na problemado si Cris.

Kaya ipinasya niya na tanungin na ito. Hindi na niya makakaya ang nakikita kay Cris.

Bahala na!

“Kuya, huwag ka namang magagalit, meron ka bang problema. Madalas kong na­papansin na nag-iisip ka at madalas magbuntunghininga­. May problema ka ba Kuya?’’

Tumango si Cris.

“Sabihin mo sa akin Kuya at baka matulungan kita. Na­hihirapan ako na nakikita kitang may problema.’’

(Itutuloy)

ALUPIHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with