ITINIGIL ni George ang sasakyan ilang hakbang bago tumawid ng tulay. Madilim ang lugar. Walang mga bahay. Wala ring dumaraang mga sasakyan.
“Dito na ba, George?’’
“Oo. Dito ang tapunan. Yang sapa na yan, marami nang ibinagsak diyan!’’
“Ibaba natin ang hayop!’’
Pinagtulungan nilang ibaba si Jambo. Saka lamang ito nagkamalay nang ibinababa na nila. Iginalaw-galaw ang ulo.
Ibinaba nila sa damuhan sa gilid ng kalsada.
Inalis ni Brenda ang tali sa paa.
“Ba’t mo inalis? Baka makatakas yan e lagot tayo.’’
“Hayaan mong tumakas.’’
Napangisi si George.
Hanggang sa magising nang tuluyan si Jambo.
Inalis ni Brenda ang busal sa bibig at ang piring.
Pupungas-pungas si Jambo. Hindi maidilat ang mga mata sapagkat tila nasisilaw kahit wala namang ilaw.
Hanggang sa makilala nito si Brenda.
“Brenda?’’
“Kilala mo pa pala ako hayop ka!’’
“Brenda anong gagawin n’yo sa akin?’’
“Ano sa palagay mo ang ginagawa sa taong nambugbog at nagnakaw?’’
“Huwag Brenda, ibabalik ko na ang kinuha ko. Parang awa n’yo na.’’
“Hindi ko na kailangan ‘yun.’’
“Parang awa mo na Brenda!”
“Pagbibigyan kita. Sige, tumakbo ka na! Bilisan mo!’’ Sabi ni Brenda habang dahan-dahang binubunot ang baril sa likuran.
Tumakbo si Jambo patungo sa direksiyon ng tulay.
Nang nasa tulay na ito, binaril ni Brenda ng lang beses. Bumagsak si Jambo.
Nilapitan ni Brenda at binaril uli para makasiguro. Saka tinawag si George.
“Ihulog natin.’’
Inihulog nila sa sapa na pawang bato ang nasa ibaba.
“Ihulog din natin ang kotse!” sabi ni Brenda.
Inihulog nila ang kotse. (Itutuloy)