^

True Confessions

Damo sa Pilapil (87)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MGA puno ng namumulaklak na banaba ang nakahanay sa magkabilang gilid ng kalsada papasok ng Encarnado Resort. Na­pakagandang tingnan ng kulay biyuletang bulaklak ng banaba. Pawang mati­tikas ang punong banaba.

“Ang ganda naman, Zac! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang hanay ng mga puno! Ano bang puno ang mga yan!’’

“Banaba, Mam.’’

“Ah oo. Medicinal plant yan di ba?’’

“Opo. Ang dahon at balat ay inilalaga at saka iniinom.’’

“Mukhang mahaba ang kalsadang ito na pawang mga banaba ang nakatanim.’’

“Mga 1 km, Mam.’’
“Ibig sabihin malapit na talaga tayo.’’

“Yes Mam.’’

“Okey na ba ang titirahan natin?’’

“Okey na po. Nakahanda na. Yung friend ng sister ko ang mismong nag-supervised. Manager po siya ng resort.’’

“Good! Mabuti na lang at may friend ang sister mo. Siyanga pala, ipakilala mo na ako sa parents mo at saka sa sister mo.’’

“Opo, Mam. Pagnatapos tayo rito sa resort, dadaan tayo sa amin. Mga 5 kilo­meters mula rito.’’

“Sige.’’

Maya-maya pa, natanaw na nila ang asul na dagat at ang pink na buhangin. Sa dakong kaliwa ang iba’t ibang kulay ng mga bahay na nagsisilbing tira­han ng mga bisita ng resort na gaya nila.

“Ang ganda Zac. Naniniwala na ako sa’yo. Gusto ko mamasyal agad tayo.’’

“Opo Mam. Aayusin­ lang natin ang mga gamit sa bahay at mamamas­yal na tayo.’’
Isang magarang bahay ang naka-reserba sa kanila. Kumpleto sa gamit. Inayos muna nila ang mga gamit at saka namasyal na sila. Naglakad na sila sa pink na buhangin.

(Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with