“MAM paano si Bogs? Baka sumama siya sa atin?’’ Tanong ni Zac. Hindi napigilan ni Zac ang sarili na itanong iyon. Gusto niyang malaman ang totoong estado ng relasyon ng dalawa kung wala na nga talaga.
“Sorry pero ayaw ko nang marinig ang name ng taong ‘yun.’’
“Sorry po, Mam.’’
“Gaya nang sabi ko sa’yo masama pala ang tangka ng taong iyon. Nagtiwala ako pero may hindi magandang intensiyon pala. Hindi ko agad na-sense. Kung minsan ay may pagka-stupid ako. Pero mabilis din naman akong magkaroon ng leksiyon.’’
Napangiti si Zac sa sinabi ni Mam.
“Kaya tayo lang ang pupunta sa resort na nasa province n’yo, okey?’’
“Opo Mam. Mga isang linggo bago tayo magtungo sa Encarnado Resort e magpapa-reserve na tayo. Yung sister ko ang bahala dahil classmate niya ang manager ng Encarnado.’’
“Wow, talaga bang maganda ang Encarnado Resort?’’
“Maganda Mam. Hindi pa gaanong napupuntahan ng tourist kaya preserved pa ang lugar. Ang buhangin dun e nagkukulay-pink kapag sumisikat ang araw.’’
“Wow! E di talo ang Bora?”
“Opo. Kaakit-akit po ang paglubog ng araw sa Encarnado Resort. Wala raw pong katulad.’’
“Sige, ituloy na natin Zac. Wala nang postponement ang trip natin sa Encarnado.’’
PERO bago ang kanilang eskedyul na pagtungo sa Encarnado, lumutang isang araw ng Linggo si Bogs.
Si Zac ang nakakita kay Bogs. Nasa gate ito.
Nagtataka si Zac kung bakit narito si Bogs.
(Itutuloy)