^

True Confessions

Black Widow (40)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNG magre-resign ka, paano ang buhay mo?’’ Paano ka mabubuhay? Lalo pa’t buntis ka?’’ Ta­nong ni Marie na halatang alalang-alala sa kaibigan.

“May trabaho naman si Coco. Gusto ko lang makuha ang separation pay ko para may pangsi­mula at para sa baby ko.’’

Hindi makapagsalita si Marie. May ganito ba talagang­ babae? Parang hindi tama ang mga ba­lak ni Jam, Una, si­nakripisyo ang da­lawang anak nang makipagrelasyon at ngayon, ang trabaho naman.

Pero wala siyang karapatan para pag­sabihan si Jam. At alam niya na hindi naman ito makikinig sa kanya. Isa pa wala na ring magagawa dahil nasira na ang pamilya niya. Wala na siyang magagawa pa.

“Marie, tulungan­ mo ako sa pag-file ng resignation at pagpa­­pa­pirma sa clearance­. Ayaw ko nang magpakita sa office natin. Alam ko mahirap para sa iyo at abala rin pero ikaw lamang ang makakatulong sa akin. Sana naintindihan mo ako.’’

Tumango si Marie.

“Ihanda mo ang re­signation letter at ako ang kakausap kay Bossing. Sabihin mo health reason kaya magre-resign. Para wala nang usap-usap o anumang tsismis. Pero pangako walang makakaalam nito kundi tayong dalawa lang.’’

“Salamat Marie.’’

“Sana, mapanatag ang isip mo Jam. Kung kaya ko, lagi kitang tutulungan. Basta kaya ko, tumawag ka lang sa akin.’’

Napaiyak na si Jam.

“Siguro talagang yan ang palad mo, Jam. Tulad ko rin, na sunud-sunod na namatayan ng asawa.’’

Nakatingin lang sa kanya si Jam. May luha ang mga mata nito. Gusto na rin niyang umiyak.

MARAMING na­in­triga sa pagre-re­sign ni Jam. At dahil si Marie ang kaibigan­, siya ang nila­pitan­ ng mga gustong maka­­tsismis. Halatang gustong mabulatlat ang to­to­ong nangyari. Hindi sapat ang dahilan ni Jam na health reason kaya nag-resign.

“Marie, magkuwento ka naman. Ano ba talaga ang nangyari kay Jam?’’ sabi ng isang babaing kaopisina.

“Oo nga Marie, ano bang totoo?’’ tanong pa ng isa.

Pero talagang ma­tapat na kaibi­gan si Marie. Walang napiga ang mga gustong tsumismis.

Kahit ano pang pagpipilit walang na­laman ang mga ito sa tunay na nang­yari kay Jam.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

ANO

AYAW

JAM

MARIE

PERO

SALAMAT MARIE

SANA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with