^

True Confessions

Kastilaloy (164)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAPAG nakumpirma na-ting ang ka-live-in nga ng mama mo ang kasapakat ni Gina, ano ang gagawin natin, Garet?” Tanong ni Tita Carmina.

“Hulihin natin sa akto, Tita?’’

“Paanong huhulihin?’’

“Habang ninanakaw niya ang mga alahas ni Kastilaloy.’’

“Paano naman niya nalaman kung nasaan ang mga alahas?’’

“Kusa naming iparirinig kay Gina ang aming pag-uusap ukol sa alahas ni Kastilaloy. Pag-uusapan namin ang alahas at ide­detalye namin kung saan ito nakatago.’’

Napatango si Tita Carmina. Maganda ang naisip ni Garet.

‘‘Teka nga pala, saan n’yo ba tinago ang mga alahas?’’

‘‘Sa musoleo ni Kastilaloy.’’

“Sa sementeryo? Totoo ba ang narinig ko?’’

‘‘Opo. Gumawa ng hukay si Gaude  sa loob ng musoleo at doon namin nilagay ang mga alahas.’’

“Bakit dun naman ninyo naisipang itago ang mga alahas?’’

“Wala na kaming mai­sip na paraan, Tita.’’

“Sa­na binenta n’yo na lang ang mga iyon.’’

“Hindi nga namin malaman ang gagawin. Parang natuliro ako sa dami ng alahas, Tita. Kaya napagpasyahan naming sa loob ng musoleo na lang itago ang mga iyon.’’

“Okey. Huhulihin natin ang taong ’yun.’’

“Sala­mat Tita. Bukas na bukas din, kusa na-ming ipari-rinig kay Gina ang aming  usapan ukol sa alahas  ni Kastilaloy. Next day, maaaring makita na natin si Geof, humanda siya! Walang kapatawaran ang ginawa niya sa aking ina.’’

“Nasa likod mo ako Garet,” sabi ni Tita Carmina.

‘‘Salamat, Tita. Kahit na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ni Mama, hindi ko siya matitiis sa ganitong sit­wasyon.’’

‘‘Napakabait mo Garet. Sana ikaw na nga lang ang anak ko.’’

“Ampunin mo ako, he-he-he!’’

“Kapag nagkatuluyan kayo ni Gaude at nagkaanak, ipahiram mo sa akin ang baby n’yo.’’

“Tita ang bibig mo! Ni hindi nga nanliligaw si Gaude sa akin eh.’’

‘‘Ganun ba? Siguro naghahanap ng timing.’’

“Ewan ko Tita.’’

“Pero mahal mo si Gaude?’’

‘‘Tita ang kulit mo! Baka marinig ka ni Gaude.’’

Nagtawa si Carmina.

SAMANTALA, dinalaw muli ni Geof si Gina. Pinapasok agad siya nito sa bahay.

‘‘Bakit wala ka nung isang araw, nagtungo ako rito pero walang tao.’’

“Ah nasa Blumentritt ako. Tumao sa bakery.’’

“Ano nalaman mo na kung saan nakatira si Gaude?’’

Tumango si Gina.

(Itutuloy)

 

ACIRC

ALAHAS

ANG

BAKIT

GARET

GEOF

GINA

KASTILALOY

MGA

TITA

TITA CARMINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with