^

True Confessions

Sinsilyo (233)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI mapakali si Lyka. Pumalpak siya sa plano. Nabuhay si Mau. Napaputang-ina siya! Dahil kay Tatang Kandoy kaya nabuhay si Mau. Nalaman niya, si Tatang Kandoy ang nagligtas kay Mau. Ang walanghiyang matanda ang nagpasira sa plano. Humanda ka Tatang Kandoy! Magsasama kayo ni Mau sa hukay!

Buo na ang pasya niya, kailangang mapatay niya si Mau para matupad ang kanyang plano. Hindi siya papayag na walang mangyari. Kailangang maisa­gawa agad niya ang pagpatay habang nasa ospital si Mau. Kapag lubusang gumaling si Mau, malabo nang mangyari ang plano niya para rito. At baka siya pa ang resbakan. Tiyak na malalaman nito ang lahat na siya ang may kagagawan kaya nasunog ang bahay. Tiyak na marami nang alam si Tatang Kandoy. At maaa-ring natuklasan na rin na ang dahilan ng sunog ay sumingaw na tangke ng gas. At siguro, nalaman na rin na ikinandado ang pinto ni Tatang Dune kaya hindi ito nakalabas.

Ganunman, hindi pa rin siya basta-basta madidiin sa krimen. Wala pa rin silang matibay na ebidensiya. Sa pagkaalam niya, wala namang nakakita sa ginawa niyang pagpapasingaw ng gas. Walang nakakita nang pihitin niya  ang control ng kalan.

Wala ring nakakita nang lagyan niya ng kandado ang pinto ni Tatang Dune para hindi ito makalabas. Hindi sana niya gagawin ang ganoong krimen pero sa bandang huli, naisip niyang baka ipahamak siya ng matanda. Baka “ikanta” siya nito. Kung “tahimik” na ito, wala nang problema. Lusot na lusot siya sa kaso.

Pero nagtataka pa rin siya kung bakit nakaligtas si Mau sa pagkakasunog. Siniguro niyang matutupok ito dahil binuhusan pa niya ng thinner ang kama. Bakit nakaligtas pa? Siguro’y agad na nai-ligtas ng pakialamerong   si Tata Kandoy. Humanda ka Tatang Kandoy!

Nang araw ding iyon ay naghanda na si Lyka. Pupunta siya sa ospital para isagawa na ang plano. Kailangang mapatay niya si Mau bago ito makapagsalita. Pagkatapos niyang mapatay si Mau, isusunod niya si Tatang Kandoy.

Nag-sunglass siya para hindi makilala nang pumasok sa ospital. Mabilis niyang  nakita ang kinaroroonan ni Mau. Nakabenda ang mukha at katawan. May nakakabit na aparato.

Pinag-aralan niya kung paano makakapasok sa kuwarto. Kapag nakapasok siya, tiyak nang todas si Mau. Tatakpan niya ang bibig nito ng panyo na may lason. Hindi makakahinga!

(Itutuloy)

HUMANDA

KAILANGANG

MAU

NANG

NIYA

SIYA

TATANG

TATANG DUNE

TATANG KANDOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with