Sinsilyo (200)
DAHAN-DAHANG itinulak ni Kastilaloy ang pinto ng kuwarto nina Lyka. Una niyang nakita ay ang mga paa ni Lyka na nasa kama. Ibinukas niya nang malaki ang pinto at natambad si Lyka. Nakadapa ito sa kama. Umiiyak!
Napatigil sa pintuan si Kastilaloy. Patda. Hindi niya inaasahan ang tagpo. Itutuloy pa ba niya ang balak kay Lyka? Ilang ulit niyang tinanong ang sarili. Itutuloy pa ba niya ang balak kay Lyka?
Sabi ng konsensiya niya: Huwag nang ituloy!
Aaatras na sana si Kastilaloy at isasara ang pinto pero sabi ng konsensiya niya: huwag!
Kaya hindi siya umalis sa pagkakatayo sa may pinto at sa halip, tinanong niya si Lyka.
“Bakit ka umiiyak, Lyka?’’
Walang sagot. Nanatili si Lyka sa pagkakadapa at patuloy din sa pag-iyak. Mukhang malaki ang problema ni Lyka. Hindi ito iiyak kung walang problema.
“Anong problema, Lyka?’’ tanong muli niya.
Wala pa ring sagot. Nanatili sa pagkakadapa.
Ipinasya na ni Kastilaloy na lumapit na sa kama ni Lyka. Gusto niyang malaman kung bakit umiiyak si Lyka. Baka kailangan nito ng tulong. Baka kaya niyang malutas ang problema nito.
Naupo siya sa gilid ng kama. Nayugyog ang kama sa pag-upo niya.
“Lyka, baka may maitulong ako sa’yo, ano bang problema?’’
Hindi pa rin sumagot pero tumigil na ito sa pagnguyngoy.
“Bakit ka umiiyak. Lyka?’’
Akala ni Kastilaloy, hindi uli siya papansinin ni Lyka. Pero dahan-dahan itong pumihit. Tumihaya. Puro luha ang mga mata. Hindi ito tumitingin kay Kastilaloy. Nakatingin sa kisame.
“Ba’ ka umiiyak, Lyka? Matutulungan ba kita?’’
Sa wakas, nagsalita rin si Lyka. Mahina lang ang pagsasalita.
‘‘Tungkol kay Mau, Tatang Dune,’’ sabi nito na nakati-ngin pa rin sa kisame.
‘‘Ano si Mau?’’
‘‘May ibang babae si Mau!’’
Natigilan si Kastilaloy. Iyon ang dahilan kaya umiiyak si Lyka.
‘‘Pa’no mo nalaman na may babae?’’
“May nabasa ako sa cell phone niya.’’
“Anong nabasa mo?’’
“Magkikita sila ngayon?’’ (Itutuloy)
- Latest