^

True Confessions

Sinsilyo (177)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HAYAAN mo na lang sila Lolo,” sabi ni Gaude at pinalis ng dulo ng daliri ang langaw na humapon sa pisngi. Hirap na hirap igalaw maski ang kamay.

“Hindi puwede! Hindi sa lahat nang pagkakataon ay palalampasin ang kasamaan. Hindi ako papayag.’’

Napatingin si Gaude sa matanda. May namuong luha sa gilid.

“Wala kasi ako nang mangyari ang pambubugbog sa iyo. Pero kung naroon ako, hindi mangyayari ‘yun. Magkakamatayan sigurado.’’

“Lolo…’’

“Nagpipigil lang ako pero gusto ko nang upakan si Kastilaloy. Naisip ko, hindi pa panahon. Kasi nga gusto ko makita ka muna. Mahirap kasi na kikilos ako e wala ka. Pero ngayong nakita na kita, humanda sila sa akin.’’

“Lolo, uuwi na lang kaya ako sa amin. Kasi, palagay ko nag-aalala na rin si Tatay sa akin. Dati kasi, sinusulatan ko siya. Baka magtaka kung bakit hindi ako sumusulat…’’

“Huwag muna. Mas ma­ganda kung ipagpapatuloy mo ang pag-aaral ng teacher. Matatapos ka na e. Sayang naman.’’

“Hindi ko na rin naman po maipagpapatuloy ang pag-aaral dahil wala nang magpapaaral sa akin. Kay Tito Mau lang ako umaasa…’’

“Huwag kang mag-alala, Gaude, akong bahala.’’

Napabuntunghininga si Gaude.

“Basta ang payo ko huwag kang uuwi. Ako ang bahala. Makakatapos ka at uuwi sa inyo na isang teacher.’’

“Lolo…paano?’’

Tinapik-tapik ni Tata Kandoy si Gaude. “Ako ang bahala. Basta ako ang bahala.’’

Napatungo si Gaude.

“Pero ngayon, dadalhin muna kita sa ospital para magamot ang mga pasa mo. Baka may nabali diyan sa tagiliran mo dahil hirap kang makakilos.’’

“Huwag na kaya Lolo. Hindi na naman masakit.’’

“Hindi masakit e ayan at hindi ka makakilos.’’

“Kaya ko na Lolo.’’

“Hindi. Dadalhin kita sa ospital. Kailangang matsek-ap ka.”

Tumayo si Tata Kandoy.

“Tatawag ako ng taksi. Diyan ka lang ha?”

“Lolo, may pera ka ba?”

“Oo naman. Kikilos ba ako nang ganito kung wala akong pera? Akong bahala sa’yo. Huwag kang kabahan.’’

Umalis ang matanda. Makaraan ang ilang minuto, isang dilaw na taxi ang tumigil. Bumaba si Tata Kandoy at inalalayan si Gaude sa pagtayo hanggang makalakad at makasakay sa taxi.

Sa isang ospital na nasa kahabaan ng Avenida dinala si Gaude.

Inasikaso naman agad doon si Gaude.

Habang ginagamot si Gaude, nakatingin si Tata Kandoy. Pinaplano ang mga susunod na gagawin para kay Gaude. (Itutuloy)

AKO

GAUDE

HUWAG

KASI

KAY TITO MAU

LOLO

PERO

TATA KANDOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with