Halimuyak ni Aya (497)
“MAS lalo nga akong maÂgiging masaya kung maÂkakapunta uli si Daddy dito para makita ang kanyang project na school pero, ayaw kong umasa at baka mabigo lamang. Kutob ko nanghihina siya. Naririnig ko ang paghingal niya haÂbang kausap ko sa telepoÂno…’’ sabi ni Sam at tumiÂgil. Napabuntunghininga muli.
At pagkaraan ay mu-ling nagsalita, “Sabi niya, kung mayroon pang mga kailangan ang estudyante, ipaalam ko raw sa kanya. Gusto raw niya maging maginhawa ang pag-aaral ng mga estudyante. At ba-lak pa niya magbigay daw ng scholarship sa mga estudyanteng may matataas na grades. Ibubuhos na raw niya ang tulong sa mga kapuspalad. Ipaalam ko lamang daw agad sa kanya para naihahanda ang kakailanganing finan-ces. Ngayon lamang daw siya makakatulong nang lubos sa kapwa. Personal ko raw na alamin ang mga kailangan at ako na rin ang mamahala sa paghanap ng mga estudyanteng mata-talino na bibigyan ng scho-larship. Katulungin ko raw si Numer at si Imelda. May karanasan na raw si Numer dahil dati itong teacher…’’
Hindi makapagsalita si Aya. Kung noon ay huma-nga siya kay Abdullah Al-Ghamdi dahil sa kabutihan nito ngayon ay lalo pang nadagdagan ang pagha-nga niya. Bihira ang ganitong tao na magbubuhos ng tulong sa mga kawawang estudyante. At hindi lang basta tulong ang ginagawa kundi lubos na lubos. Magbibigay pa ng scholarship. Sobra-sobra ang tulong.
“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, Sam. Kasi’y ngayon lang ako nakakita ng katulad niya.’’
“Ako man ay hindi makapaniwala, Aya. Kasi’y dagdag pa nang dagdag ang kanyang tulong. Hindi kaya maisipan na rin ni Daddy na magtayo ng high school?’’
“Posible, Sam.’’
Napatangu-tango si Sam. Napakabait talaga ng kanyang ama. Sana, humaba ang buhay nito.
ISANG araw na sinusubaybayan nina Sam at Aya ang construction ng school, isang lalaki ang lumapit sa kanila. Ang lalaki ay mga 55-anyos. Halatang mahalaga ang sasabihin ng lalaki sa mag-asawa.
“Magandang umaga sa inyo,†bati ng lalaki kina Sam at Aya.
“Magandang umaga naman po. Ano po ang iyong kailangan?†tanong ni Sam.
“Ako po si Felipe…â€
Nakatitig si Sam at Aya sa lalaki. Parang narinig na nila ang pangalang Felipe pero hindi maalala.
“Ako ang asawa ni Cristy.’’ (Itutuloy)
- Latest