HINDI nag-aksaya ng panahon sina Sam at Aya sa pagpapatayo ng school na ipinag-utos ni Abdullah. Nakakuha nang isang malaking lote si Sam hindi kalayuan sa kanilang bahay. Maraming magulang ang natuwa sa ipatatayong school. Sa wakas daw ay magkakaroon na ng school ang kanilang mga anak. Iisang building pala ang elementary school at pinagkakasÂya roon ang mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 6. Sira-sira na ang bubong kaya kapag umuulan ay tumutulo at bumabaha sa loob ng classroom. Kawawa ang mga estudyante na nakababad ang mga paa sa tubig.
Sa ginawang plano ng school, isang 2-storey building ang itatayo na maraming classrooms. Mayroon ding sariling canteen at comfort room. Magkakaroon din ng faculÂty room. Balak ding magtayo ng covered court na magsisilbing gym at pagdarausan ng graduation at iba pang mahahalagang event..
Nang simulan ang construction ay tuwang-tuwa sina Sam at Aya. Naroon din sina Imelda at Numer.
“Matutuwa sigurado si Daddy kapag nalaman na sinimulan na ang kanyang project.’’
‘‘Kukunan ko ng picture at ipadala mo sa kanya, Sam.’’
“Sige. Matutuwa iyon.’’
“Ano bang sabi niya nang huli mong maka-usap, Sam?’’
“Gusto raw niya maÂtapos agad ang school para mapakinabangan ng mga estudyante. Kawawa raw ang mga estudyante. Nabalitaan daw niya na may malakas na bagyong dumaan sa Pilipinas.â€
“Baka ang Yolanda ang sinabi niya. Hindi mo sinabing malayo naman ang lugar na tinamaan ng Yolanda.’’
“Lagi raw siyang tatawag sa akin. Siya na lang daw ang tatawag para hindi ako maabala sa aking mga ginagawa. Kapag daw natapos ang school huwag kalilimutang ilagay iyon sa pangalan ng aking inang si Cristy.’’
“Talagang mahal ng daddy mo ang iyong mama. Inibig niya nang labis.’’
“Oo, Aya. Akala ko, ang lahat ng Saudi ay malulupit at hindi marunong magmahal, yun pala marami rin sa kanila ang mabubuti.’’
“Ano nga palang sabi niya sa kanyang sakit?’’
‘‘Wala siyang binanggit ukol doon, Aya. Ayaw ko namang itanong.’’
‘‘Sana naman, hindi malubha ang kanyang sakit. Sana, makabalik uli siya rito para makita ang school na ipinagagawa niya.’’
NapabuntunghiÂnga si Sam. Malalim. Biglang nalungkot.
(Itutuloy)