Halimuyak ni Aya (492)
“CONGRATS, my friend,†sabi ni Abdullah kay Numer at mahigpit na kinamayan.
“Shokran, sadik,†sagot naman ni Numer na ang ibig sabihin ay “salamat, kaibiganâ€.
Pagkatapos ay may ibinulong kay Numer. Walang tigil ang pasasalamat ni Numer kay Abdullah maÂtapos itong bulungan.
Pagkaraan ay nagbalik na sa mesa si Abdullah kung saan kasama sina Sam at Aya.
“Anong ibinulong sa iyo ni Abdullah, Numer?†tanong ni Imelda.
“Yun daw gift niya para sa atin ay ibibigay niya kapag aalis na siya. At huwag daw nating bubuksan hangga’t hindi siya nakakaalis.’’
“Ha-ha-ha! Nakaka-suspense naman, Numer. Ano kaya ang regalo sa atin?â€
“Hindi ko alam, Imelda. Hindi kaya isang bariles na langis?â€
“Baka nga, Numer.’’
“Paano naman niya daÂdalhin dito yun?â€
“Hula ko, pera ang ibiÂbigay niya sa atin, Numer.’’
“Iyan din ang kutob ko.’’
“Pero sana, huwag muna siyang umalis. Gusto ko magtagal pa rito si AbÂdullah. Sana mag-extend pa siya.’’
“Baka kailangan na siyang bumalik dahil malaki ang responsibilidad niya as Navy official.’’
“Sana makabalik uli siya rito ano?’’
“Posible yun, Imelda. Ngayong nagustuhan niya ang Pilipinas, tiyak na babalik ang ating kaibigan.’’
DUMATING ang araw ng pag-alis ni Abdullah. Hindi lumalayo si Sam at laging kinakausap ang ama. Parang masama ang loob ni Sam at aalis na ang ama.
Bago sila umalis ng hotel na tinutuluyan, may ibinigay si Abdullah kay Sam na big envelope. Huwag daw munang bubuksan iyon hangga’t hindi siya nakaaalis.
Pagkatapos ay si Numer naman ang tinawag at isang envelope din ang binigay. Huwag din daw bubuksan. Hintayin siyang makaalis.
NANG nasa NAIA na sila, mahigpit ang paÂalaman. Mahigpit ang yaÂkapan.
Nang tunguhin ni AbÂdullah ang departure area ay lalo nang nalungkot sina Sam. Wala silang nagawa kundi kumaway kay Abdullah.
(Itutuloy)
- Latest