^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (460)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SUMUNOD na Biyernes (dakong alas siyete) ng umaga sa Pilipinas at alas tres ng madaling araw sa Saudi Arabia ay muling tumunog ang cell phone ni Imelda. Katatapos lang niyang ihanda ang mesa para sa pag-aalmusal ng mag-asawang Sam at Aya. Ganoon ang gawain niya araw-araw. Pagkatapos lutuin ng cook ang almusal, siya ang maghahain ng almusal ng mag-asawa.

Nang tingnan niya kung sino ang tumawag, si Numer pala. Pumasok siya sa kanyang kuwarto at doon nakipag-usap kay Numer.

“Hello Imelda?’’

“Hello Numer! Nagpu­yat ka na naman para tu­­mawag. Sabi ko naman sa’yo ako na lang ang ta­tawag kasi nakakahiya.’’

“O nahiya ka na naman. Wala kang aalalaha­nin sa akin, Imelda. Basta ako lagi ang tatawag sa iyo. Pagbigyan mo na ako. Wala kang dapat ipa-ngamba dahil nasisiya-han ako kapag tumatawag sa iyo.’’

“Anong oras ba ngayon diyan, Numer? Hindi ko na kabisado ang oras diyan.’’

“Advance ng five hours diyan. Alas tres pa lamang ng madaling araw.’’

“Diyos ko, di puyat ka na naman. Noong nakaraang Biyernes, puyat ka na.’’

“Friday naman dine kaya okey lang. Wala kaming pasok kaya kahit na makipag-usap ako sa’yo buong araw e puwede.’’

“Eto naman, e di umusok na ang taynga natin pareho.’’

‘‘Ako hindi uusok ang taynga ko kasi kausap ko ikaw. Para akong nasa heaven, alam mo ‘yun?’’

“Uy napakatalinhaga   ng sinasabi mo.’’

“Totoo naman na masaya ako kapag kausap ka.’’

‘‘Hindi ka nakokornihan?’’

“Hindi. Ikaw nakokornihan ka sa akin?’’

‘‘Siyempre hindi.’’

“Siyanga pala, Imelda, may itatanong lang ako kung hindi mo ikakagalit.’’

“Ano naman yun, Numer?’’

“Bakit hanggang nga-yon ay dalaga ka pa?’’

Hindi agad nakasagot si Imelda. Unang pagkakataon na may nagtanong sa kanyang lalaki tungkol sa katayuan niya sa buhay.

Dahil hindi agad siya nakasagot, parang nag-alinlangan si Numer.

“Sorry, Imelda, baka ikinagalit mo ang sinabi ko.’’

“Hindi Numer. Okey lang sa akin.’’

“Akala ko nagalit ka. E ano ba ang dahilan at dalagang Pilipina ka pa rin hanggang ngayon?’’

‘‘Pinagtaksilan ako ng nobyo ko, Numer. Nambuntis ng ibang babae.’’

‘‘Ah, kaya pala. Ano na­man ang pangalan ng la­laking nagtaksil sa’yo?’’

“Melchor.’’

“Melchor?’’ (Itutuloy)

AKO

ANO

BIYERNES

HELLO IMELDA

IMELDA

NAMAN

NUMER

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with