^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (438)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PARANG imposible na magpapagamot siya sa akin, Aya. Bago sa akin, sa mga espesyalista muna sa kanilang bansa siyempre,” sabi ni Doc Sam at niyakap si Aya.

“Isa lang yan sa posibleng mangyari, Sam. At anong malay mo mangyari yan. Wala nang imposible sa panahong ito. At mahuhusay ang Pinoy doctors kaya malaki ang posibilidad.’’

Hinalikan ni Sam si Aya.

“Wala naman akong hangad na makita siya dahil imposible nga, sapat na sa akin na makita siya sa picture. At ngayon nga na nakita ko na, e sapat na sa akin iyon. Maligaya na ako, Aya.’’

“Hula ko, magkikita kayo.’’

“Pinalalakas mo ang loob ko.’’

“Halimbawa, makita mo siya, anong sasabihin mo?”

“Hindi ko alam.Babatiin ko sa English dahil hindi ako marunong mag-Arabic. Ano kaya sa Arabic ang ‘kumusta ka, Papa’ o ‘ako po ang anak mo’?’’

Nagtawa si Aya.

“Tiyak na ang maraming alam sa Arabic ay si Tita Imelda. Matagal siya sa Saudi di ba?’’

“Dalawampung taon yata siya roon o mahigit pa.’’

“Sanay na sanay sigurado siya sa Arabic dahil matagal pala siya roon.’’

“Sabi nga pala ni Tita Imelda, titira siya rito sa atin kapag natapos na ang misyon niya…’’

“Anong misyon?’’

“Paghanap sa iba pang impormasyon sa aking ama na si Abdullah Al-Ghamdi. Kapag daw natapos niya ang misyon, dito na siya sa atin. Nasasabik na raw siyang makasama tayo. Kasi’y wala siyang kasama sa bahay. Wala na rin siyang kamag-anak.’’

“Pero kahit naman hindi pa tapos ang misyon niya e puwede siya ritong tumira.’’

“Pinipilit ko na nga pero pagnakakuha na raw siya ng bagong info ukol sa aking ama. Meron pa yata siyang susulatan na isang kaibigan doon. Kasi raw, magkakapitbahay sila sa lugar na tinawag niyang Nazeem. Yung isa nga raw kaibigan niyang maid doon ay kasama ang asawa. Driver naman ang asawa. May anak daw doon. Mabait daw ang amo ng kaibigan niya.’’

“Sana makausap ko siya at ako ang kukumbinsi na lumipat na siya rito sa atin. Wala namang problema dahil napakalaki ng bahay na ito na pamana sa atin ni Papa at Tita Sophia.’’

“Hayaan mo at kapag nakausap ko, pipilitin kong dito na umuwi.’’

MAKALIPAS pa ang dalawang linggo, dumalaw muli si Tita Imelda kay Doc Sam.

“May bago akong balita tungkol sa father mong si Abdullah!’’

“Ano po yun, Tita Imelda?”

(Itutuloy)

ABDULLAH AL-GHAMDI

ANO

AYA

DOC SAM

KASI

SIYA

TITA IMELDA

TITA SOPHIA

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with