^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (434)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINUHA ni Doc Sam ang blood pressure ni Tita Imelda.

“Okey naman ang blood pressure mo, Tita.’’

“Salamat sa Diyos.’’

“Siguro ay stress ka lang kaya sabi mo ay nang­hihina na. Mas mabuti kung isasailalim ka sa laboratory tests. Huwag kang mag-alala at akong bahala, Tita.’’

“Salamat Sam. Hindi  ko alam kung paano magpapasalamat sa’yo.’’

“Huwag kang mag- worry Tita. Gaya nang nasabi ko sa’yo, malaki ang naitulong mo kay Mama noong nasa Riyadh pa kayo. Tumatanaw lang ako ng utang na loob.’’

“Napakabait mo Sam. Katulad ka rin ng mama mo.’’

“Kahit po sa sulat ko lamang nalaman ang pagkakaibigan n’yo ni Mama, tiyak ko na naging mabuti ka- yong magkaibigan noon.’’

“Totoo yun, Sam. Marami pa akong hindi naikukuwento sa’yo sa mga nangyari sa mama mo habang nasa Saudi.’’

“Tungkol pa po saan, Tita?’’

“Tungkol sa Saudi na nakabuntis sa mama mo.’’

“Tungkol sa father ko?”

“Oo.’’

“Ano po ang tungkol sa kanya?”

“Matagal pa rin akong nagtrabaho sa Riyadh mula nang mangyari ang pagkakabuntis sa mama mo ng Saudi. Marami pa akong nabalitaan tungkol sa father mo. Hindi ko na lamang ini-lagay iyon sa sulat sapagkat baka hindi na rin interesado ang mama mo. Pero nabalitaan ko, ang Saudi na nakabuntis sa mama mo ay nagtungo pala sa Embassy at hinahanap ito. Nalaman ko ito sa isang Pinay na nakasama ng mama mo. Ang pangalan daw ng Saudi na naghahanap sa mama mo ay si Abdullah Al-Ghamdi. Hindi lang daw ilang beses nagtungo roon ang Saudi na si Abdullah at pilit na hinahanap ang Pinay na nagngangalang Cristy. Pero walang maibigay na impormasyon ang Embassy sapagkat nakauwi na nga ng Pinas. Pero sabi ng ilang Pinay doon, sadyang hindi ibinigay ang anumang pagkakakilanlan kay Cristy dahil baka kung ano lang ang gawin ng Saudi. Pero sabi ng Pinay na unang napagtanungan ni Abdullah, parang na-inlove daw ito kay Cristy --- sa mama mo – kasi’y pabalik-balik nga raw sa Embassy at ti­natanong pa nga kung ano ang address sa Pinas…”

“Bakit hindi mo po sinabi kay Mama noon ang pangyayaring iyon?”

“Hindi ko na ginawa Sam dahil naisip ko, baka magulo lang ang buhay ng mama mo. Siyempre, malalaman ng kanyang asawang si Philipp o Ipe ang nangyari.’’

Napatangu-tango lang si Doc Sam.

“Sinabi ko ito para na rin sa katahimikan ng kalooban ko. Sa totoo lang wala na sana akong balak pang sabihin ito pero, hindi na ako nakapagpigil…patawarin mo ako, Sam…”

“Okey lang po, Tita. Wala po yun. Ang naka­raan ay nakaraan na. Ang mahalaga ay ang hinaharap.’’

“Salamat Sam.’’

“Pero sa palagay mo, Tita, meron ka pang ma­kukuhang impormasyon sa aking amang si Abdullah?”

Napamaang si Tita Imelda. (Itutuloy)

 

ABDULLAH

DOC SAM

LANG

MAMA

PERO

PINAY

SALAMAT SAM

TITA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with