^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (433)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGULAT si Doc Sam kung sino ang babaing naghahanap sa kanya. Si Imelda! Ang kaibigan ng kanyang mama noong nabubuhay pa at parehong DH sa Riyadh, Saudi Arabia. Pero halata niyang payat si Tita Imelda.

“Tita Imelda!”

Lumapit si Doc Sam kay Imelda at humalik.

“Maupo ka Tita Imelda.’’

“Salamat Sam. Kumusta ka Sam?’’

“Mabuti naman po. Hindi ka po nakarating sa kasal ko.’’

‘‘Nagkasakit ako. Hindi ko nasagot ang text mo. Sorry Sam.’’

“Ano po ang sakit mo Tita?”

“Diabetic ako Sam.’’

“Ah kaya siguro payat ka ngayon, Tita.’’

“Oo. Kinokontrol ko ang pagkain.’’

“Mamaya i-tsek-ap kita Tita.’’

“Salamat Sam.’’

“Kailangang maiasalalim ka sa laboratory, Tita.”

“Salamat Sam. Ikaw pala ang taong makakatulong sa mahirap na katulad ko. Huwag mo akong pababayaan Sam,’’ sabi pa ni Tita Imelda.

“Opo, aalagaan kita Tita. Hindi ko malilimutan ang ginawa mong tulong kay Mama noong ipinagbuntis niya ako sa  Riyadh. Ikaw ang gumawa ng paraan para makauwi si Mama dito sa bansa at isinilang ako.’’

Napaiyak na si Tita Imelda.

“Kumusta naman ang buhay mo Tita Imelda?”

“Nag-iisa lang ako Sam. Di ba matandang dalaga ako. Hindi na ako ang barangay chairwoman. Hindi ko na kasi kaya. Nanghihina ako.’’

“Sige po Tita, itsek-ap na kita. Kailangang malaman natin ang nagpapahirap sa iyo.

Tumayo si  Doc Sam at dinampot ang stetoscope. Lumapit kay Tita Imelda. Itinapat ang  stetoscope sa likod nito. Tsinek-ap. Pinakinggang mabuti kung may kakaibang sound.

Wala namang narinig.

“Magpapalab test ka Tita.. Kailangang ma­laman natin kung ano ang dahilan ng panghihina mo.” (Itutuloy)

AKO

DOC SAM

IKAW

IMELDA

KAILANGANG

SALAMAT SAM

SAM

TITA

TITA IMELDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with