^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (431)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI makapaniwala sina Sam ay Aya na kasal na sila. Parang kailan lang ay nagpaplano sila kung saan gagawin ang kasal pero ito at tapos na. Nang halikan ni Sam si Aya matapos ang seremonya, ay nagpalakpakan ang mga guest. Matagal na naglapat ang kanilang mga labi. Hindi maipali­wanag ni Aya ang nararamdaman sa oras na iyon. Sa wakas, natupad din ang matagal na nilang pangarap ni Sam na makasal. Ito na ang katuparan ng kanilang matagal na inaasam.

Nang lumabas sila sa simbahan (hindi na garden­ wedding gaya nang kanilang unang plano­) ay lalo nang lumakas ang palakpakan at bawat isa ay lumalapit at kinakamayan sila. Pawang mga malalapit na kaibigan nila ang naroon. Maraming doctor na mga kaibigan ni Sam ang dumalo. Naroon din sina Julia at George.

Pero ang walang kasingsaya sa oras na iyon ay sina Doc Paolo at Dra. Sophia. Habang naghihintay sa may pintuan ng simbahan ay hindi mailarawan ang kaligayan sa mukha ng dalawa. Para bang ang pagpapakasal ng dalawa ang pinaka-memorable sa kanilang buhay.

Sabi ni Doc Paolo kay Dr. Sophia, “Sana maka­gawa agad ng baby ang dalawa para naman makita agad natin ang ating apo.”

Sagot naman ni Dra. Sophia, “Sabi sa akin ng dalawa, gagawa agad sila at gusto nila marami. Parang anim ang narinig ko.’’

“Mas maganda kung marami para masaya tayo sa bahay,” sabi ni Doc Paolo.’’

“Excited na ako Paolo sa magiging unang apo natin.’’

“Mas lalo ako Sophia.’’

HONEYMOON nina Sam at Aya. Unang gabi. Nasa isang 5-star hotel sila.

“Sam, kinakabahan  ako.’’

“Bakit?”

“Kasi’y naalala ko ang sinabi mo nun?”

“Ano ‘yun?’’

“Sabi mo, sisimsimin mo ang halimuyak ko…’’

Napahagalpak ng tawa si Sam.

(Itutuloy)

ANO

AYA

BAKIT

DOC PAOLO

DR. SOPHIA

DRA

NANG

SABI

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with